OCEANE POV NAKABABA na ako sa kitchen at doon ay tuluyan akong nakahinga nang maluwag. Binaba ko sa sink ang pinagkainan namin at lumakad na ako pabalik sa headquarters namin. Kailangan kong magpabango dahil paniguradong nandoon si Young Master Strove. Baka maamoy niya akong amoy pawis, ano? Kaya no way! “Oceane!” Napahinto ako nang marinig ang malakas na boses ni Annie. Lumingon ako at nakita ko siyang kumakain ng popcorn. “Penge!” Lumapit ako sa kanya para manghingi. “Saan galing ito? Ang sarap, ha?” sabi ko nang makasubo ako ng ilan. “Galing kay Young Master Streve.” Napatingin ako sa kanya. “Nandito na si Young Master Streve rin? Kumpleto sila rito?” bulalas na sabi ko sa kanya. “Oo, kumpleto dahil nga may meeting. Paniguradong mahalaga iyon kaya dumating sila.” Napatango

