OCEANE POV “TUTULUNGAN ko po kayo sa folders ninyo? P—Paano po?” bulalas kong tanong sa kanya. Anong gagawin ko sa folders niya? Susunugin? Itatapon? I—re—recycle? “Sort it.” Lalong nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Nag—aral naman ako hanggang senior high pero hindi ako nag—college kaya nga nagta—trabaho ako rito para makapag—ipon ng pera for my school. “Young Master Strive, sure po ba kayo? Graduate lang po ako ng senior high. Sure kayong aasikasuhin ko itong folders? Baka may controversial po rito?” sabi ko sa kanya. “Yes, Oceane. I—check mo lamang iyong folders kung anong kailangan kong makita agad. Then pagsamahin mo naman ang hindi gaanong importante. Ilagay mo rito sa left side ko. Naiintindihan mo na ba?” baritonong sabi niya sa akin. Dahan—dahan akong tumango sa kan

