OCEANE POV “HINDI ka ba kakain?” Napangiti ako sa kanyang tanong at umiling. “Naghihintay po sa ibaba ang pagkain ko rin, Young Master Strive. Ganyan din po ang food ko kaya roon na lang po ako,” sagot ko sa kanya. Hindi lang iyon ang dahilan, ha? May niluto rin kasing daing si ate Vic. Gusto ko iyon. “Ganoʼn ba?” Tumango ako sa kanyang sinabi. “So, hihintayin mo kong matapos kumain, ha?” Nakita ko kung paano tumaas ang sulok ng kanyang labi. Hindi na lang ako sumagot sa kanyang sinabi at ngumiti na lamang. Gusto kong irapan si Young Master Strive, pero amo ko siya. Nakita kong tahimik siyang kumakain pero iniinggit niya ako. Kapag sumusubo kasi siya ay nakatingin siya sa akin ngayon. Mabulunan ka sana. Joke lang. Nakita ko ang pag—angat ng kanyang spoon sa niluto ko. “Masy

