OCEANE POV LUMIPAS ang ilang araw ng maging personal maid na talaga ako ni Young Master Strive. At sa mga araw na iyon, unti—unti na akong nasasanay sa pagiging personal maid niya. Hindi na rin ako gaanong kinakabahan kapag kinakausap niya ako. Hindi na rin ako natataranta sa tuwing tatawagin niya ako sa kanyang office room. At higit sa lahat... Unti—unti ko na ring nakukuha ang ugali ni Young Master Strive. Iyon naman talaga ang gusto ko, ang makuha ang tiwala at ugali niya. “Akala mo, Young Master Strive... Magpapatalo ako sa iyo? No way!” madiin na sabi ko habang nakatingin sa pool. Nandito ako ngayon sa pool area habang hinihintay kong lumambot ang chicken breast. Ang lulutuin ko for his lunch ay chicken sotanghon with eggs imbis na quail eggs. Wala kasi iyon sa pantry ngayon.

