STRIVE POV NAKATINGIN ako sa glass kong may orange juice, kasama ito sa breakfast ko kanina pero hindi ko pa naubos kaya hindi naisama pababa nang bumalik siya para kunin ang pinagkainan ko. “Hay! Mukhang magbabago ang ikot ng mundo ko nang dumating si Oceane sa bahay,” nakangising sabi ko habang hindi maalis ang tingin sa baso. I tap my fingers in my work table, paulit—ulit habang sinasabayan ko ang pagtiktak ng kamay ng orasan. Kaunti na lamang ay mag—a—alas dose na rin. Naghihintay ako kung ano naman ang dadalhin niyang pagkain para sa akin. Hindi tuloy ako makapag—concentrate sa pagta—trabaho dahil sa kanya. “Hay! Strive, first time natin maging occupied ng ganito! Ano ba ang ginawa ng babaeng iyon sa akin! F**k!” madiin na sabi ko habang napatingala sa ceiling ng office room ko

