STRIVE POV “SIT.” madiin at baritonong sabi ko sa kanya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. “H—ha?” Nakita ko ang mukha niyang nagulat at nakatingin pa rin siya sa akin. “Are you deaf?” baritonong tanong ko sa kanya habang naniningkit ang mga mata kng nakatingin sa kanya. “A—ano—” Hindi ko muli siya pinagsalita. “Sabi ko, maupo ka, Oceane!” madiin na sabi ko at nilakasan ko na ang aking boses. Nakita ko ang pagpitlag niya ng kanyang katawan dahil lumakas talaga ang aking boses. Takot siya? Bakit? “Natatakot ka ba sa akin, Oceane?” tanong ko sa kanya Umiling—iling siya sa akin. “H—hindi po, Young Master Strive!” malakas na sabi niya sa akin. Tinitigan ko pa siya nang mabuti pero ramdam ko talagang natatakot siya sa akin. “Hindi ka naman pala natatakot sa akin, Oceane. Ka

