OCEANE POV
NANG marinig ang sinabi ni Mama at Papa sa akin na pumapayag na silang magtrabaho ako sa Manila ay mabilis akong pumasok sa kʼwarto ko para sabihin kay Annie na pinapayagan na ako nina Mama at Papa na sumama sa kanya.
Oceane:
Annie, may good news akong sasabihin sa iyo. Bukas ko sabihin. Magkita tayo sa tabi ng dagat.
Good night!
Chat ko sa kanya at nilagay na sa gilid ang phone ko. Hindi na ako makapaghintay na sabihin sa kanya ang sagot nina Mama at Papa.
Paniguradong matutuwa iyon once na marinig niyang sasama ako sa kanya pabalik niya sa Manila.
Kaya matulog na tayo, Oceane!
Kinabukasan, maaga akong nagising at chineck ko agad ang aking phone, doon ay nakita kong nagchat si Annie sa akin.
Annie:
Tungkol saan ang sasabihin mo?
Papunta na ako sa tabing dagat.
Hintayin kita, okay?
Nagningning ang mga mata ko nang mabasa ko iyon, kaya mabilis na akong bumangon sa kama. Naghilamos lamang muna ako at mabilis na pumunta sa tabing dagat, malapit lang kami sa dagat kaya nga daanan kami ng bagyo. Paglabas ko ay nakita kong bahagyang maulap ang langit, maganda ito dahil hindi masyadong mainit, masarap maglakad—lakad sa dalampasigan.
“Oceane, saan ka pupunta? Umagang—umaga,” sabi ni Mama sa akin.
Napahinto ako sa paglabas at tinignan ko si Mama na nakapameywang na nakaharap sa akin. “Ah—eh... Pupunta ko po agad si Annie para sabihin sa kanyang pinayagan ninyo na po ako, Mama. Kaya alis na po muna ako,” sabi ko sa kanya.
“Ikaw talagang bata ka! Hindi ka man lang maligo muna—”
Hindi ko na siya pinagpatuloy sa pagsasalita. “Mama, nandoon na po si Annie sa tabing—dagat na po, kaya mauna na po ako! Babalik din po agad ako!” malakas kong sabi sa kanya.
“Oceane—”
Narinig ko pa ang boses ni Mama na tinawag ako, pero rin naman na ako babalik. Kailangan ko na talaga sabihin kay Annie ang tungkol dito.
Baka maunahan na ako, ano?
Nakarating na rin ako sa tabi ng dagat at doon ay nakita ko si Annie na naglalakad nang dahan—dahan.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang malaki. “Annie!” malakas na tawag ko sa kanyang pangalan, halos matisod ako dahil sa pagmamadali ko. “May sasabihin ako sa iyo!”
Napatingin si Annie sa akin, napahinto siya paglalakad at tumaas ang kanyang kilay. “Uy, bakit parang may emergency ka yata? Kagabi ka pa ganyan. Iyong chat mo. Chat ako nang chat sa iyo pero hindi ka na nagreply. Nakatulog ka na agad?” tanong niya sa akin.
Pinaglapat ko ang aking magkabilang labi at tumàngo sa kanya. “Um, oo, nakatulog na ako, Annie. Pasensya na, ha?” sabi ko sa kanya.
“So, ano ba ang sasabihin mo? Sa sobrang excited mo ay muntik ka na ngang matisod.”
Napangiti na lang ako sa kanyang sinabi. “Ah—eh, pumayag na sila,” nakangiting sabi ko sa kanya.
Nangunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Ha?” Nakita kong nalilito si Annie dahil sa sinabi ko. “Sino ang pumayag?” tanong pa niya sa akin.
Tinignan ko siya. “Ma at Pa ko!” sigaw ko sa kanya. “Pumayag na silang sumama ako sa iyo sa Manila... Para makapagtrabaho ako roon bilang kasambahay.” sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang mukha niyang nakatingin pa rin sa akin, mukha nahihiwagaan pa rin siya kung ano ang sinasabi ko. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang balikat. “Ang nais kong sabihin sa iyo... Makakasama na ako sa iyo paluwas mo muli sa Manila, Annie!” dagdag kong sabi sa kanya.
Nakita ko ang titig niya sa akin hanggang hinawakan niya rin ang aking kamay sa kanyang balikat. “Talaga?!” bulalas niyang sabi habang nakatingin pa rin siya sa akin. “Sigurado ka ba? Totoo ba ang sinabi mo? Na pumayag na sina tito Oliver and tita Nenita na sumama ka sa akin?” sunod—sunod niyang tanong sa akin.
Tumango ako sa kanyang sinabi, hindi mawala ang bakas na saya sa aking mukha. “Oo nga, Annie. Hindi madali ang ginawa ko kagabi para lang makausap sina Mama at Papa. Lahat ay ginawa ko para lang payagan nila ako, Annie. Kaya sasama na talaga ako sa iyo!” malakas na sabi ko sa kanya.
Napabuntong—hininga si Annie habang nakatingin sa akin, kita ko ang kanyang mukha na may tuwa roon. “Ayos ʼyan... Ibig sabihin, tuloy ka na talaga?” sabi niya sa akin.
Sunod—sunod ang aking pagtango sa kanyang sinabi. “Kaya please...” Hinawakan ko muli ang kamay ni Annie. “Tulungan mo ko, Annie. Gusto ko talagang subukan na maging kasambahay sa pinapasukan mo rin. Panigurado namang wala pa silang natatanggap, doon sa pʼwesto na sinabi mo sa akin?” dagdag na sabi ko sa kanya.
Ngumiti si Annie sa akin at tumàngo. “Oo naman. Hindi kita pababayaan. Sandali lang may tatawagan ako,” sabi niya at kinuha ang kanyang cellphone sa suot niyang bulsa.
Nangunot ang noo ko. “Ngayon na?” tanong ko sa kanya. Bigla kasi akong kinabahan.
Tumango siya sa akin. “Oo, para sigurado,” sagot niya sa akin. “Tatawagan ko na si Mayordoma namin para sabihin ang tungkol sa iyo.”
Naupo ako sa gilid ng dalampasigan, pinipisil ko ang sarili king kamay habang pinapanood ko si Annie ka nagdi—dial ng number.
“Hello, Mayordoma?”
Napaayos ako nang pagkaupo nang marinig ko ang boses ni Annie. Sumagot na iyong Mayordoma nila.
Lalo lang tuloy akong kinabahan.
“Good morning po,” dagdag na sabi ni Annie.
Hindi ko marinig ang sinasabi sa kabilang linya. Tahimik lang anong nakikinig sa kanya, halos hindi na nga ako humihinga.
“Opo, si Annie po ʼto... Gusto ko lang pong itanong about sa kasambahay po.”
Saglit na tumigil sa pagsasalita si Annie, napatingin siya sa akin kaya lalo akong kinabahan.
“Opo, Mayordoma. May ipapakilala po sana ako,” tuloy ni Annie, seryoso ang kanyang tono. “Kaibigan ko po. Pangalan niya ay Oceane Kuta po.”
Nang marinig ko ang aking pangalan ay lalo akong kinabahan. Sobrang bilis ng t***k ng aking puso.
“Opo, Mayordoma. Maayos po siya magtrabaho, masipag, at mapagkatitiwalaan po. Kailangan niya rin po ng trabaho para makapag—ipon sa pag—aaral niya. Huwag po kayo mag—alala, sagot ko po siya, Mayordoma,” sabi ni Annie at napatingin siya sa akin.
“Okay lang ba ako?” mahinang tanong ko sa kanya.
Sinenyasan niya ako ng saglit.
“Opo... Opo, naiintindihan ko po,” sabi niya at tumàngo—tango si Annie kahit hindi siya nakikita. “Kahit po trial muna para masubukan ninyo po si Oceane. Okay lang po ba?”
Napapikit ako at nagdarasal na ako sa aking isipan.
Sana kunin ako.
Sana tanggapin nila ako.
Ilang segundo pa ang lumipas bago muling nagsalita si Annie at unti—unting nagliwanag ang kanyang mukha.
So, positive na tanggap ako?
“Talaga po? Sige po, Mayordoma! Maraming salamat po!” Agad niyang ibinaba ang tawag at tinignan niya ako.
Napatalon ako para palapit kay Annie. “Ano? Ano sabi?” atat kong sabi sa kanya.
Ngumiti si Annie, hindi na maitago ang excitement sa kanyang mukha. “Pinapunta ka niya,” sabi niya sa akin.
“Ha?” Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. “Pinapapunta niya ako? Talaga ba?” tanong ko muli sa kanya.
“Interview muna,” dagdag ni Annie sa akin. “Pero good sign ʼyon. Hindi lahat binibigyan agad ng chance. Kaya possible na tanggap ka na talaga at iyong pamasahe mo ay sagot na nila.” sabi niya sa akin.
Napahawak ako sa aking puso nang bumilis ang t***k nito. “Grabe...” bulong ko sa aking sarili. “Totoo ba ito? So, possible na makapasok ako roon?”
Tumango si Annie sa akin. “Oo. Kaya ihanda mo na sarili mo. Hindi biro papasukin mo,” sabi niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanyang sinabi, kahit may halong kaba ang nararamdaman ko mas nangingibabaw ang aking determinasyon.
“Kakayanin ko,” sabi ko sa kanya.
Heto na iyon. Heto na ang pagbabago ng buhay ko once na tumuntong na ako sa Manila.
Kaya kailangan kong tapangan para sa pamilya ko at para sa kinabukasan naming lahat.
Then, para na rin makita si Strove, ang boyfriend kong hindi niya alam.