CHAPTER 8

1459 Words
OCEANE POV NAKATINGIN pa rin sila sa akin, lalo na si Mama na nagtataka. “Ano ʼyon, anak?” Nagkibit—balikat ako at pilit na binabalewala at pinipigilan ang pagnginig ng aking mga kamay. “May... May opportunity po kasi na dumating sa akin. A—alam ninyo naman pong gusto kong mag—aral ng kolehiyo para maiahon kayo sa kahirapan, ʼdi ba po?” panimulang sabi ko muli. Hindi sila umimik sa aking sinabi. “Si Annie po... Inalok niya akong sumama sa Manila upang maging kasambahay roon sa pinagta—trabauhan po niya. Hiring po kasi sila at tinanong niya ako kung balak ko raw po ba,” sabi ko muli sa kanila habang magkalapat ang aking magkabilang kamay sa isaʼt isa. Biglang napakunot ang noo ni Papa. “Kasambahay?” ulit nitong sabi sa akin, tila hindi makapaniwala sa aking sinabi. “Oceane, bakit mo naman naisipan ang bagay na iyan? Hindi ka namin pinalaki para magsilbi sa iba.” Napabuga ako sa kanyang sinabi. “Pa, hindi naman po sa ganoʼn...” agad kong sagot da kanya halos pabulong. “Kailangan ko lang talaga ito. Gusto ko pong makaipon para makabalik muli ako sa pag—aaral ko sa kolehiyo. Hindi lang po iyon, wala naman pong masama na maging kasambahay, Papa at Mama. Marangal na trabaho po iyon. Kaya gusto ko pong sumama kay Annie.” paliwanag ko sa kanila. Napatahimik silang dalawa sa akin. Si Mama naman ay nakita ko ang lungkot sa mukha niya. “Anak, kaya naman natin kahit papaano—” Umiling ako sa kanya at doon na tuluyang kumawala ang emosyon niya. Lumapit ako sa kanila at lumuhod sa kanilang harapan. “Ma, Pa, nakikiusap po ako,” nanginginig kong sabi halos maiyak na ako para payagan na niya ako. “Alam ninyong hindi na talaga kaya, ʼdi ba po? Ilang taon na lang din ay ga—graduate na sa high school si Nadine po, kailangan niyang mag—aral ng kolehiyo. Tumatanda na rin po kayo ni Papa, paniguradong hindi ninyo na kaya mangisda pa sa susunod na taon. At, ako naman po ay laging nasa bahay lang, tanging ginagawa ay magligpit dito sa bahay at asikasuhin silang tatlo...” Tinignan ko sila para malaman nilang nagsasabi ako nang totoo. “Ma... Pa... Ayoko ng maging pabigat na lamang sa inyong dalawa. Ayokong habang buhay ay kayo ang nagbibigay sa amin ng pangangailangan namin. Dapat masuklian ko iyon sa inyo, Mama at Papa. Kaya payagan ninyo na po ako... Ito rin ang paraan para matuloy ko ang pangarap kong makapag—aral....gagawin ko po ang lahat.” mahabang sabi ko sa kanila, halos hingalin ako dahil dire—diretso ang aking pananalita. Para hindi makasingit sina Mama at Papa. Nakita ko ang tingin na binibigay ni Mama at Papa sa akin. “Oceane, kaya mo ba talaga? Alam mo namang ayaw namin mawalay ka sa amin, kaya hetong Papa mo ay todo ang kayod para makapag—aral ka lang muli,”mahinahon na sabi ni Mama sa akin. Tumango ako sa kanya. “Alam ko po, Mama. Kaya ko rin po. Kaya payagan ninyo na po ako,” sabi ko sa kanila. “Ma, Pa... Nakikiusap po ako,” nanginginig na sabi ko halos maiyak dahil dama kong hindi nila ako papayagan. Wala kaming kakilala sa Manila. Wala. Kaya possible iyon ang sabihin nila sa akin. “Bakit naman po si Annie? Nakaya niyang manirahan sa Manila na halos dalawang taon... Kaya paniguradong kakayanin ko rin po, lalo na kung para sa pag—aaral ko, kung heto lang ang paraan para makapag—kolehiyo muli ako. Sige na po!” Pipilitin ko talaga silang pumayag sa gusto ko. Ngayon lang naman ako naging ganito, maging makulit sa kanila. “Oliver, payagan na natin si Oceane. Malaki naman na siya at kasama naman niya si Annie sa Manila...” Lumaki ang aking magkabilang tenga nang marinig ko ang sinabi ni Mama. Napatingin si Mama sa akin. “Kasama mo ba sa iisang trabaho ni Annie, Oceane?” tanong niya sa akin. Sunod—sunod akong tumango sa kanya. “Opo, Mama. Ilang beses kong tinanong kay Annie kung nasa iisang bahay lang po ba kami at sumagot po siya ng oo. Iyong amo ng pamilya na pinagsisilbihan niya ay iyon din ang pagsisilbihan ko kaya payagan ninyo na ako, Mama at Papa,” sagot ko sa kanila. “Ma, payagan ninyo na po si ate Oceane. Alam po namin nina Oscar and Clara na gusto muli mag—aral ni ate, pero kapos po tayo, sa aming tatlo pa lang po ay wala na.” Napalingon ako sa gilid nang makita ko si Nadine na nakatayo at ngumiti sa akin. Sinenyasan ko siya ng thumbs up. “Oo nga naman po, Mama at Papa. Hindi lang po iyon...” Bigla kong naalala ang sinabi ni Annie na nandoon si Strove kahit hindi naman pala totoo, pero possible na maging totoo iyon dahil makakapunta na ako sa concert and fanmeet nila. “Anong hindi lang iyon, Oceane?” tanong ni Mama sa akin. “Hindi lang po iyon...” dagdag kong sabi, bahagyang nag—aalinlangan akong sabihin iyon. “Nandoon din po si Strove, Papa at Mama.” Nakangiting sabi ko sa kanila. Napatingin agad si Mama sa akin. “Strove?” Naramdaman kong na mula ang aking magkabilang pisngi, pero hindi ako umatras sa tanong niya. “Opo. Gusto ko rin po siyang makita. Hindi ko man po sigurado na may pagtingin siya sa akin... Pero gusto ko pong subukan. Kahit isang beses lang... Gusto kong ipaglaban ang aking nararamdaman.” mahabang sabi ko sa kanila. “Naku, si ate Oceane, umaasa na magugustuhan siya ni Strove Cuevas.” Nawala ang ngiti ko nang marinig ang sinabi ni Nadine. Nadine—monyo talaga ang isang ito. Laging panira sa trip ko. “Watch me,” mahinang sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagngisi ng kapatid ko sa akin, bwisit talaga ang isang ito. Nakita kong napailing si Papa dahil sa sinabi ko, pero hindi galit, bagkus ay halatang naguguluhan at nag—aalala sa akin. “Strove? Sino ba ang Strove na iyon?” takang tanong ni Papa sa akin. Oo nga pala, hindi pamilyar si Papa kay Strove. Hindi naman kasi nanonood ng bagong teleserye si Papa. Puro luma pa rin ang pinapanood niya at mga action pa, ayaw niya sa romance. “Papa, si Strove po ay—” Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang magsalita si Nadine. “Crush ni ate Oceane, Papa. Isang actor ngayon... Kasabayan ni Nikko Velasco po, iyong actor din. Kay Strove naman po siya baliw na baliw ngayon. Kaya gusto niya ring pumunta sa Manila para makita ang crush niyang si Strove,” mahabang sabi ni Nadine kay Papa. Masyadong papansin talaga itong kapatid ko, ano? Napahawak si Papa sa batok niya nang marinig ang sinabi ni Nadine. “Kaya naman pala.” Napangiwi ako sa sagot ni Papa. “Payagan ninyo na po ako,” sabi ko, pinipilit ko talaga. “Anak, mahirap ang buhay ng kasambahay,” mahinang sabi ni Papa. “Sigurado ka bang kaya mo?” dagdag niyang tanong sa akin. Tumango ako sa kanyang sinabi, hindi ko napigilang mapaluha na. May luha ng tumulo sa aking pisngi. “Kakayanin ko po, Papa at Mama. Para sa pangarap ko... Para sa inyo... At para sa sarili ko po.” Hindi ko alam, pero bigla akong napaiyak. Iniisip ko kasi ang sacrifice nila para sa aming apat. Lumapit si Mama sa akin at marahang hinawakan ang aking mukha. “Ang bbata mo pa para sa ganitong desisyon,” mahinang sabi niya sa akin. “Pero kailangan ko na pong tumayo sa sarili kong mga paa, Ma,” sagot ko sa kanya, puno ng determinatsyon. Nagkatinginan sina Mama at Papa, isang tahimik na pag—uusap na puno ng pag—aalinlangan, pagmamahal, at takot. Ilang sandali ang lumipas bago muling nagsalita si Papa. “Kung ito talaga ang gusto mo...” mabigat niyang sabi sa akin, “hindi ka namin pipigilan. Pero, tandaan mo, anak... Anumang mangyari, nandito lang kami para sa iyo.” Sa pagkakataon na ito ay hindi ko na napigilang hindi mapaiyak. “Salamat po, Mama at Papa! Pangako ko ay hindi ko po kayo bibigyan,” naiiyak na sabi ko sa kanila. Sa yakap na kanilang binigay ay naramdaman ko ang bigay ng aking desisyon sa buhay, pero kasabay nito ay ang lakas ng loob na harap in ang bagong yugto ng aking buhay. Malay mo maging kami talaga ni Strove. Who you talaga si Nadine si akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD