CHAPTER 5

1047 Words
OCEANE POV MAAGA akong nagising nang maalala ko na today ang dating ni Annie. Bumangon na ako sa kama at naligo na rin. Hihintayin ko siyang dumating dahil pakiramdam kong may regalo siya sa akin. Hindi naman lingid sa kanya na paborito at baliw na baliw ako kay Strove. Siya ang crush ko, ultimate crush. Kaya nga siya ang iniisip ko habang nagpi—finger ako kasi lalo akong nag—iinit kapag naiisip ko sa kanya. “Magandang umaga!” malakas kong sabi nang makitang naglilinis ang mga kapatid ko. “Magandang umaga, ate Oceane! Walang tao sa banyo!” nakangiting sabi ni Clara sa akin. Tumango ako sa kanyang sinabi at lumakad papunta roon. Kailangan makaligo dahil hihintayin ko talaga si Annie. Nang matapos akong maligo ay kumain ako at saka ako lumakad papunta sa kanto namin, nakatanggap ako ng chat mula kay Annie na malapit na siya sa amin. “Mama, aalis na po muna ako, ha?” malakas na sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at base sa mukha ay nagtataka. “Saan ka pupunta, Oceane?” tanong niya sa akin. Ngumiti ako nang malaki sa kanya. “Wala po iyon, Mama. May kailangan lang po talaga akong puntahan. Dito lang din po ako kaya babalik din po ako agad!” nakangiting sabi ko sa kanya at lumabas na sa bahay namin. Oceane: Malapit ka na? As in malapit? Papunta na ako sa may kanto. Doon kita hihintayin sa waiting shed, Annie. Nagreply ako sa kanya at mabilis na lumakad papunta roon. Katulad ng sinabi ni Annie kagabi sa akin, hindi ko tsinismis kay Aling Nanita na pauwi ang kanyang anak today. Paniguradong iiyak iyon mamaya dahil makikita na niya muli si Annie. Nakarating na rin ako sa may waiting shed. Walang tao rito kaya naupo ako sa batong upuan, medyo malamig ang inuupuan ko. Oceane: Nandito na ako sa waiting shed, Annie. Saan ka na? Hindi ako makapaghintay na makita ang merch ni Strove! Chat ko muli sa kanya. Napasandal ako roon hanggang mag reply muli siya sa akin. Annie: Malapit na ako. “Malapit na? Gaanong kalapit?” tanong ko sa aking sarili kaya tumingin na lang ako sa mga dumadaan na traysikel. Baka nga parating na si Annie. Hindi ko muna siya guguluhin lalo naʼt paniguradong pagod na si Annie sa byahe niya. Maghihintay na lang ako rito hanggang makarating siya. Letʼs wait for her. Ilang minuto na rin ang nakalipas nang maghintay ako sa kanya rito. “Wala pa rin ba si Annie? Naiinip na talaga ako,” kausap ko sa aking sarili at muling pinanood ang mga traysikel na dumadaan sa harap ko. “Oceane!” Napapitlag ako nang marinig ang pangalan ko. Napalingon ako sa paligid hanggang makita ko si Annie na nasa kanang side ko. “Annie!” bulalas na sabi ko nang makita siyang may hatak—hatak na maleta at isang eco bag na malaki. “Oceane!” Nagyakapan kaming dalawa nang mahigpit dahil ilang taon naman talaga kaming hindi nagkita, namiss ko ang nag—iisang best friend ko. Lumayo ako sa kanya nang mayakap ko siya nang mahigpit. “Ikaw nga, Annie! Mabuti naman at dumating ka na! At, talaga nagpababa ka sa malayo, ha?” malakas na sabi ko sa kanya. Hindi ako nagdalawang—isip na tumakbo ako nang mabilis palapit sa kanya kanina para na rin tulungan siya. Kinuha ko ang eco bag na malaki, paniguradong nandoon ang merch ni Strove na para sa akin. Ngumiti siya sa akin. “Yes, I am, Oceane. Gusto kitang i—surprise talaga. Palingon—lingon ka pa sa paligid, tinitignan mo talaga ang traysikel, ha?” nakangising sabi niya. Napanguso ako sa kanyang sinabi. “Sira! Anyway, kumusta ang byahe? At kumusta roon? Ang tagal mong nawala!” reklamo ko sa kanya, pero halata naman sa mukha ko ang saya. “Hoy, nasa Manila lang naman ako, Oceane. Hindi sa kabilang planeta,” natatawang sagot ni Annie sa akin. “Pero, Miss din kita!” nakangiting sabi niya sa akin. “Tara na! Mamaya na tayo mag—usap, Annie. Paniguradong pagod na pagod ka na sa byahe. Paniguradong kapag nakita ka ni Aling Nanita ay matutuwa iyon sa iyo. Kaya tara na, tulungan na kita rito!” nakangiting sabi ko at binitbit ang eco bag na ito. “Aba, talagang kinuha mo ang eco bag kung nasaan ang merch ni Strove, Oceane, ha?” Naiiling na sabi niya sa akin. Kunwari ay nagulat ako sa kanyang sinabi. “Hala? Seryoso ba? Nandito ang merch ni Strove?” bulalas na tanong ko sa kanya at pinakita ko sa kanya ang acting ko. “Aray!” Napalakas ang boses ko nang hilahin niya ang aking buhok. “Gaga ka talaga, Oceane! Kilala kita kung paano umacting! Hindi mo ko madadaan sa ganyan mo, okay? Alam ko namang malakas ang pang—amoy ko sa mga merch ni Master—este ang crush mong si Strove! Kaya tara na sa bahay namin para mabuksan na rin ang eco bag na iyan, paniguradong kanina ka pa excited na makita ang mga merch niya.” Tinignan ko si Annie. “Kilalang—kilala mo talag ako, Annie!” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Kilalang—kilala kita. Tara naʼt sa bahay, gusto ko na rin makita sina Mama at Papa. Ang dami ko ring dalang damit at gamit para sa kanila, maging kina tita Nenita and tito Oliver.” Tinapik niya ang aking balikat kaya tumango ako sa kanya. Lumakad na kami nang mabilis pabalik sa street namin. Bumalik na ang best friend ko at handa na akong makinig sa mga sasabihin niya. Excited na ako sa mga sasabihin niya about sa Manila. Kapag sinasabi niya iyon ay gusto ko na rin sumama sa kanya. Mapipilit ko kaya sina Mama at Papa na magtrabaho na rin ako sa Manila? Gusto ko na rin kasing tumulong sa kanila lalo naʼt lumalaki na rin ang tatlong kapatid ko pa. Kung hindi man ako makapagtapos ng pag—aaral, sana man lang isa kina Nadine, Clara and Oscar ang makapagtapos ng college degree sa aming apat. Iyon ang gusto ko. Iyon ang pangarap ko sa aming pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD