CHAPTER 6

1248 Words
OCEANE POV NAKARATING na rin kami sa tapat ng bahay nila. Ako na muna ang kumatok sa kanilang tindahan dahil iyon ang pinag—usapan namin ni Annie habang naglalakad kami. “Aling Nanita, pabili po!” malàkás kong sabi at kumatok pa ako. “Sandali lang, Oceane!” Nagkatinginan kami ni Annie sa isaʼt isa. “Kilala na ni Mama ang boses mo,” saad niya sa akin. “Suki ako rito sa inyo,” mahinang sabi ko sa kanya. Nang makita kong may palapit na sa amin ay nagpalit na kami ng pʼwesto ni Annie. Nakatalikod siya sa tindahan nila at muling nagsalita si Aling Nanita. “Oceane, anong bibilhin mo—teka, Annie, ikaw ba iyan?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Aling Nanita. Nakilala niya agad ang kanyang anak? Lumingon na si Annie. “Ako nga, Mama! Kumusta kayo?” sabi ni Annie sa Mama niya. “Hala, ikaw nga, anak ko!” “Opo, Mama. Kasabwat ko si Oceane.” Tumayo na rin ako sa pinagtataguan ko. “Hello po, Aling Nanita?” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Naku! Kayong dalawa talaga! Pumasok kayo! Ang Papa mo ay nasa likod at ang kuya mo naman ay bayan na para magtrabaho,” mabilis niyang sabi at pumasok na kami sa loob. Nang nasa loob na kami ng kanilang bahay ay pinaupo na kami ni Aling Nanita. Nakita na rin siya ng Papa niya at nagyakapan sila. Ako lang ang hindi belong dito. “Ma, Pa, maraming akong pasalubong sa inyo galing sa mga amo ko... Lalo na rito kay Oceane,” sabi ni Annie at tinuro ako. “Ay, paniguradong tungkol sa crush niyang artista ang ibibigay mo kay Oceane. Naku, palagi kong naririnig kay Nenita ang tungkol doon... Baliw na baliw itong si Oceane doon,” sabi ni Aling Nanita sa akin. Napanguso ako sa kanyang sinabi. “Gwapo po kaya siya, Aling Nanita. Siya talaga ang pumukaw sa aking mga mata ngayon. Kaya crush na crush ko po siya,” sabi ko.sa kanila, hindi ko mapigilang kiligin. “Hayaan mo na, Mama. Ganyan talaga si Oceane.” Naiiling din na sabi ni Annie sa akin. Nakita kong binuksan ni Annie ang malaking eco bag. Nakatitig lang ako roon sa bawat kilos niya. “Iyong mata ni Oceane ay kumikinang—kinang na!” sabi ni Annie at tinuro ako. “Sorry, excited lang talaga ako, Annie.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Muling gumalaw ang kanyang kamay at may kinuha na roon. “Oh, heto na, pasalubong ko sa iyo,” sabi niya, may halong excitement. “Talaga?” Kumikislap ang mga mata ko habang nakatitig kay Annie ngayon. Sinundan ko.amg galaw niya. Isa—isang nilabas ni Annie ang mga laman ng eco bag, mga snacks, maliit na pabango, at kung anu—ano pa. Pero, bigla ako natigilan nang may makita siyang nakabalot na paper bag na may mukha ng paborito kong iniidolo, si Strove! “W—wait... Annie...” Nanginginig kong sabi habang hindi maalis ang tingin sa hawak niya. “Huwag mong sabihing—” Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang makita kong ngumiti nang malaki si Annie. Nakita kong inaabangan niya ang reaksyon ko kaya isa—isa niyang nilalabas ang mga pasalubong niya. “Oo na, alam ko na agad ʼyan. Sinasabi ko na nga bang mapapansin mo ito pagdating talaga sa idol mong si Strove. Kaya eto, para sa iyo, Oceane.” Nakangiting sabi niya sa akin at inabot sa akin ang paper bag. Nanginginig ang aking magkabilang kamay nang tanggapin ko ang paper bag. Pinipigilan kong hindi tumili at maging hysterical, nakakahiya sa magulang niya. Dahan—dahan kong binuksan ang paper bag, ayokong masira ito. Nang mabuksan ko na ay halos mapasigaw na ako nang makita ang loob. “Ahhh! Merch ni Strove!” Halos mapatalon ako sa tuwa at inalog—alog ko si Annie habang hawak ang kanyang magkabilang balikat. “Annie, totoo ba ʼto?!” bulalas na sabi ko sa kanya. Paano naman kasi ay isang 3D face ni Strove ang binigay niya, gawa sa babasagin ang buong merch na once na bumagsak ay masisira talaga. Paniguradong mahal ang isang ito. Tumawa si Annie dahil sa reaksyon ko. “Oo, galing ʼyan sa event na napuntahan ko. Alam kong baliw ka dʼyan kay Master—Strove, kaya binilhan na kita,” sabi niya sa akin, hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi niya. Nailapag ko ang merch ni Strove at baka kasi bumagsak iyon. Napahawak ako sa aking dibdib, hindi pa rin ako makapaniwala na binilhan ako ni Annie ng ganitong merch. “Grabe ka... Annie... Mahal yata ʼto, ha?” sabi ko sa kanya habang hindi pa rin maalis ang nginig sa aking boses. Tinapik niya ako sa aking braso. “Relax ka lang. Gift ko iyan sa iyo, Oceane.” Kibit—balikat na sagot niya sa akin. Kumikibot—kibot ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Napayakap muli ako kay Annie. “Thank you! Promise, iingatan ko ʼto, Annie!” sabi ko sa kanya at kiniskis ko pa ang magkabilang pisngi namin. “Alam ko naman iyon,” natatawang sabi ni Annie sa akin. “Alam ko rin namang maingat ka sa gamit lalo na kung tungkol kay Strove.” “Thank you talaga, Annie!” sabi ko muli sa kanya at muli kong chineck ang aking new merch. Chineck ko iyon hanggang nangunot ang aking noo. “W—wait, Annie... A—ano ito?” tanong ko sa kanya at pinakita ko ang black ink na parang signature ni Strove na nasa standee ng merch na ito. Iniisip ko rin na baka kasama na talaga sa merch, may ganoʼn kasi ʼdi ba? “Ah, akala ko ay hindi mo mapapansin ang bagay na iyan, Oceane. Signature iyan ni Strove.” Napatitig ako sa kanya nang bigla akong nabingi. “Ha? S—signature ni Strove ito? Are you sure, Annie? H—hindi ito print lang? Signature niya talaga?” sunod—sunod na tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin at ngumiti nang malaki. “Oo, signature niya talaga iyan—” “Paanong nangyari? Paano niya na—signature ito?” tanong ko sa kanya. Kumakabog nang mabilis ang aking puso habang nakatingin pa rin sa signature ni Strove. “Eksaktong nandoon kasi iyong crush mong si Strove kaya nakipila na kami.” Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. May event ba si Strove? Parang wala akong maalala. Anyway, wala na akong pake at least my signature ang aking merch. “Thank you so much, Annie! First time kong magkaroon ng merch na may signature ni Strove! Itatago ko ito sa baul para hindi masira or mawala ang signature niya!” malakas na sabi ko sa kanya. “OA mo, Oceane!” natatawang sabi niya sa akin. Napanguso ako sa kanyang sinabi. “Siyempre, Annie! First time ko talaga ito!” Niyakap ko nang mahigpit ang merch ko at hinalikan pa ang labi niya. “Sobrang crush mo talaga si Master—Strove. Hindi rin talaga kita masisisi—” “Sobrang gwapo at paniguradong daks—” “Gaga! Nandito sila Mama.” Napatakip ako sa aking bibig at napa—peace sign sa kanya. Basta may merch na ako ni Strove with signature pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD