WALANG SENSE NA manatili ako sa opisina niya kaya nagdesisyon akong umalis. Hindi pa kami tapos ni Aaron. Masyado siyang galit at kahit ano’ng paliwanag ko ay hindi siya makikinig. Sayang lang ang laway ko. Marunong naman akong maghintay. Pero hindi unlimited ang oras ko. Kapag ako ang nagpaalam, talagang good bye. Sayonara. Au revoir. Adios. “I’ll take my leave, but please eat the lunch I brought. Niluto ’yan ni Inay. Kung galit ka sa akin, huwag mong idamay ang pagkain.” His eyes remained glued into his monitor at parang hangin lang akong umalis. Pakiramdam ko tuloy, ako na ang kaluluwa ngayon. B*wiset na ’yan! Pinindot ko ang elevator button at hinintay na magbukas ang pinto nito. Kapag naiisip ko ang mga litrato na ipinakita niya sa akin kanina mula sa monitor ay gusto kong budburan