ISANG BUWAN MAKALIPAS ang aksidente ay hindi pa rin nahanap ang bumangga kay Tatay Tino. Bukod sa madilim na parteng ’yon ay walang plate number ang sasakyan kaya model at make lang ang nakuha. Nagpatuloy ang buhay naming lahat at hindi nila ako itinuring na iba. Isang gabi bago ako matulog ay kumatok si Inay Mila at tinanong ko kung nasabi ko na ang tungkol sa tunay kong pagkatao kay Aaron. “Anak, habang pinapatagal mo ay lalong dumarami ang kasinungalingan. Hindi deserve ni Aaron ’yon. Maiintindihan ka niya, maniwala ka. Mahal na mahal ka niya at nakikita naming lahat ’yon,” sabi nito. “Pero natatakot po ako. At tuwing sasabihin ko sa kaniya ay palaging may tumatawag o dumadating kaya palaging hindi natutuloy. Nakailang subok na po ako.” “Subukan mo ulit. Kung anuman ang maging react