bc

UGLY LOVE

book_age18+
5.6K
FOLLOW
26.3K
READ
revenge
dark
love-triangle
possessive
family
playboy
billionairess
twisted
bxg
like
intro-logo
Blurb

WARNING

RAW VERSION NOT EDITED!

Si Audrey Rose Silvia. Lumaki sa marangyang pamilya at nakukuha ang lahat ng gustohin. Sa murang edad ay tumibok ang puso sa isang Sacristan na handang ibigay ang sarili at maglingkod sa Diyos para ganap na maging Pari.

Ang akala niyang fairytale ending na nababasa niya sa libro ay mangyayari rin sa kanya. Ngunit labis siyang nasaktan nang tinanggihan siya nito ng harap-harapan.

Dahil sa labis na sakit ay lumipad ito patungong America para doon mag-aral ng Doktrina, pinangakong kakalimutan na ang lalaking nanakit sa kanya.

Ngunit sa pagbabalik Pinas ni Audrey ay may malaking sekreto pala siyang natuklasan na sangkot ang lalaking dating iniibig..

Paano niya tatangapin ang kapalaran kung si Matteo Gallador na ang may hawak sa kaniyang bukas?

chap-preview
Free preview
SIMULA
Simula "Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo.." "Mapa saamin ang kaharian mo, sundin. ang loob mo. Dito sa lupa para lang sa langit .." Ako lang ang malakas kumanta sa lahat nang nandito sa loob ng simbahan. Pini-feel ko kasi 'yong kanta. Hindi lang iyon, para maagaw din ng pansin ang lalaki na nakatayo malapit kay Father Tomas. Sumimangot ako dahil mukhang deadma lang ito sa akin at busy din sa pagkanta. "Bigyan mo po kami ngayon, ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin mo po kami sa aming mga sala..." Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Ate Nikka, na ikinalingon ko sa kanya. Nginuso niya sa akin sila mommy at daddy sa kabilang upuan. Pati na rin ang mga katabi nito na nakaka-agaw pansin na sa malakas kong pagkanta. "At wag mo kaming ipahintulot sa tukso, at ihadya mo kami sa lahat ng masama..." Talagang hinabaan ko ang huling stanza habang na katitig sa kanya, nang sa gayon ay lumingon ito sa akin. Hindi nga ako nag kamali. His dark eyes and furrowed brows darted on me, and my heart pounding so fast. Maluwang akong ngumiti dito pero nagtaas lamang ito ng kilay bago umiling iling. "Ang lakas lakas mong kumanta kanina e, wala ka naman sa tono, 'di kaba nahihiya sa simbahan kanina?" Sita sa akin ni Ate Nikka. "Tss.. ang ganda kaya ng boses ko, kaya ko nga nilalakas para may makarinig ng talento ko, mahirap na 'yong sa CR ka lang kakanta walang makakarinig saiyo." Nakairap kong sinabi sa kanya. "Sus, if i know nagpapansin ka lang kay–" Bigla kong tinakpan ang bibig nito saka pinanlakihan siya ng mata. "Ssh.. wag ka nga maingay baka marinig ka nila daddy," bulong ko sa kanya. Minuwestra naman nito ang kamay sa akin na parang nanunumpa na hindi mag-iingay kaya malaya ko siyang binitiwan. "Bakit ba kasi sa dinamirami pa nang magiging crush mo ay sa isang sacristan kapa nagkagusto?" Hindi na nito napigilan pang sabihin. Kaya ngumuso nalang ako sa kanya at sinulyapan sila mommy sa frontseat. Mabuti ay hindi nila alintana ang sinabi ni ate. Agaw pansin ko ang lalaking may dalang payong habang may akay na matanda.. Lumalakas na ang ulan na kanina'y ambon lang. Napahigpit ang hawak ko sa aking paldang suot nang matanaw si Mateo habang akay ang kaniyang lola. "Oh, ang mabaet na bata talaga nito si Mateo." Narinig ko pang sambit ni mommy. Sumang ayon ako sa sinabing iyon ni mommy habang tanaw silang sumasakay ng tricycle.. "Biruin mo balak pala talagang mag pari niyan, honey?" Kausap nito kay daddy na nag da-drive. Sumandal ako ng upo saka pumikit ng mariin. Ayokong marinig ang pinagu-usapan nila dahil pakiramdam ko ay pinipiga ang mura kong puso pag naiisip na itutuloy niya ang pag pa-Pari. Pag-uwi ng bahay ay diretso na ako sa aking silid at umakyat ikatlong palapag ng aming bahay. Mabilis akong tumanaw sa barung barong na kita mula dito. Nakita kong bumaba mula sa tricycle sina Mateo akay pa rin ang kaniyang lola. "Sandali kong pinagmasdan ang mga ito habang papasok ng eskinita. Laking gulat ko nang tumingala ito dahilan upang mabilis akong magkubli sa may kurtina. Tahip ko ang paghinga habang mariin na nakapikit. ilang minuto pa akong nakaganon bago ko pinasyang sumilip muli. Wala na siya doon, marahil ay pumasok na ito gawa ng mas lalong lumakas na ulan. Nang gabi ding iyon ay hindi niya ako pinatulog. Pati ang nakatakda niyang pag pa-Pari ay gumugulo sa isipan ko. Noong una'y nagkakasya lang ako sa patanaw tanaw sa kanya sa school. Sa rancho at sa pagsasaka. Pero mas lalo kong kinikimkim ay mas lalo akong nasasadlak at nababaon sa kanya. Sa murang edad ay hindi ko naiwasang humanga dito. Grade seven ako habang siya ay Grade eleven, apat na taon ang tanda niya sa akin. Dahil may angkin kagwapuhan ay iyon agad ang napansin ko sa kanya, pero hindi lang pala iyon umagaw ng pansin ko pati ang busilak niyang puso ay unti- unti kong nakikilala sa paglipas ng panahon. Alam kong hindi niya ako kilala kahit ka batch niya si ate ay 'di rin sila close nito dahil sa may pakasuplada si ate at puro babae lang ang gusto kasama. Kahit pa araw-araw ko itong nakikitang nagpapastol sa lupain namin ay hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon makikilala ito. Kinabukasan ay maaga akong bumangon para uminom ng mainet na chokolate sa terasa sa aking kwarto. Tinanaw ko ang bukirin namin na Inuumpisahan nang tamnan ng mga palay samantalang sa bandang ibaba ay ang malayang pagtakbo ng mga kabayo. Ang sarap samyoin ng sariwang hangin na dumarampi sa aking balat, habang hinihigop ang paborito kong inumin. Bigla akong napakislot ng matanawan si Mateo na nasa bukid. Nakahubad at tanging kupas na pantalon na may tastas sa bandang tuhod lamang ang suot. Pasan nito ang sako ng binhi ng palay sa kaniyang balikat. My heart beast fast as I watched his bulging muscles and wide shoulders. Malakas niyang  ibinagsak sa putikan ang sako. Masasabi kong perpekto na ang katawan niya kahit di pa tumutungtong sa edad na desi-otso. Isa siya sa mga tauhan ni daddy at isa rin sa pinagkakatiwalaan sa pamamahala ng rancho. "Sa edad kong dose anyos ay dapat isa pa ako sa mga naglalarong bata at may hawak na barbie doll, pero dahil maaga ngang napukaw ang bata kong puso kaya naging conscious na ako sa pagkilos ko. "Audrey tara na diba mangangabayo tayo ngayon?!" Narinig kong sigaw sa akin ni ate na naghahandang sumakay sa paborito niyang kabayo. Sinulyapan ko siya mula sa kinatatayuan ko saka ito inirapan. "Ah ganon?" aniya sa akin. "Mateo... patulong naman oh?" Agad  akong napalingon dahil sa sinabing iyon ni ate. Mula sa bukid ay tumakbo ito palapit kay Ate Nikka. Doon ako kumaripas ng takbo pababa ng hagdanan. "Salamat ha!" Naabutan kong patalikod na ito pabalik sa bukid. "Ay sayang naman, hindi mo naabutan si  Papa Theo, paano ang bagal mo kasi." Tila nang-iinis na buska ni ate sa akin. "Hmp ang sabihin mo pinaalis mo agad kaya hindi ko naabutan!" Pagmamaktol ko dito. "Kapatid, gusto mo bang makita ka niyang nakaganyan lang? Mahiya ka nga!" Pinagtawanan ako nito matapos ay umiling. Bumaba naman ang tingin ko sa suot kong pajama at spaghetti top. Hindi pa rin nasusuklay ang buhok ko at wala pang hilamos at mumog. "Sige na po, maliligo na!" Mabilis na akong tumalikod dito paakyat ng bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Be Mine Again

read
98.9K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.3K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.3K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
500.4K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook