KABANATA 1

2212 Words
Kabanata 1 Batang puso Suot ko ang boots ko habang kumakapit sa aking mga hita ang maong kong pantalon. Niyuko ko pa ang latigo sa lamesang naroon saka inayos ang sumbrebo ko at pinasya nang lumabas ng bahay. Kinakabahang nilingon ko ang paligid habang bumababa ng hagdanan. "Aruy, todo attire ang peg?" Napapitlag ako sa sinabing iyon ni ate dahil tinusok pa niya ang tagiliran ko. "Ano ba ate, masama bang mag-ayos?" Nakataas ang kilay na sinabi ko sakanya bago na tumungo sa kwadra para sa puti kong kabayo. Si Hoover, regalo ito sa akin ni Daddy nito lang taon, dahil nainggit ako kay ate na may sarili namang kabayong kulay itim. "Hi, Hoover, are you ready?" Bati ko dito habang hinahaplos ang makintab na buhok.  Bahagya itong umungol, tila nakilala ang boses ko. "Manong Fred ilalabas ko na po si Hoover!" Tawag ko dito na nagpapakain ng ibang kabayo sa kwadra. "Sige po ma'am tamang tama maganda po ang kondisyon ni Hoover ngayon!" Balik nitong sinabi sa akin mula sa malayo. "Salamat po manong!" Hinila ko na ito patungo kay ate Nikka na tila inip na inip na kahihintay sa akin. "Salamat naman at nandito kana, aabutan tayo ng inet niyan dahil sa kakuparan mo eh!" Singhal ni ate sa akin. "Tara na nga oh?" wika ko habang nakapout ang labi, matapos ay sumakay na ako kay Hoover. Tinapik ko ito ng bahagya para tumakbo at inumpisahan na nga naming libutin ang ilang bahagi ng rancho. "Tara sa latampas!" sigaw nito sa akin na binilisan ang pagpapatakbo sa kanyang kabayo. Pero dahil baguhan palang ako ay hindi pa ako sanay sa mabilis na takbo ni Hoover kaya naiwan ako ni ate, hinila ko ng bahagya ang tali para huminto ito dahil nililipad ang sumbrero kong suot. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Itinaas ni Hoover ang dalawa nitong paa sa unahan, "Hoooh!" na alarma kong sinabi pero dahil sa pagkabigla ay napabitiw ako at nahulog mula sa kabayo, ang masama pa nito naiwan ko ang isa kong paa na nakakapit pa kay Hoover, tumakbo ito dahilan para makaladkad ako.. Napasigaw ako dahil sa pagtama ng katawan ko sa lupa,naramdaman ko din ang hapdi ng aking binti. Narinig ko ang ilang trabahador mula sa malayo na sumigaw ng makita ang nangyari. Akala ko ay katapusan ko na dahil halos ihampas ako ni Hoover sa damuhan. Bigla nalang may marinig akong boses na napatigil sa pagtakbo ni Hoover. Malakas niyang hinila ang tali nito sa leeg para huminto. "Magaling Hoover." Buo ang boses nitong sinabi. Dahil sa matinding sakit ay hindi ko na nagawa pang tingnan kung sino ba ang nagpatigil sa kabayo dahil basa ng luha ang putik ang mukha at buong katawan ko. Naramdaman kong kinalas niya ang pagkakabinbin ng paa ko sa tali matapos ay marahan akong nilapat sa damuhan. Pakiramdam ko ay nabalian ako dahil sa tindi ng kirot na nararamdaman ko. "Anong masakit saiyo?" Buo ang boses nito nang magsalita kaya ganon nalang dumilat ang mata ko. Sandali lang nagtama ang mata namin dahil sa pagsipat niya sa binti kong may pulang pula dahil sa gas gas at sugat. "Wag ka munang gumalaw baka lumala ang bali sa paa mo, kung meron man." Mahinahon niyang sinabi. My body flinch as I feel his big warm hand at my both arms. Nilagay niya iyon sa dalawa kong gilid. Gusto kong magsalita pero tila nalunok ko yata ang dila sa sobrang pagkabigla at takot na nararamdaman hanggang ngayon. Mabilis itong tumayo at iniwan ako sandali. Dapat ba akong magpasalamat dahil sa nangyari? Usal ko sa langit at agad pumikit ng mariin. "Audrey ano nangyari?!" Ang boses ni ate ang namulatan ko na pababa sa kanyang kabayo at agad akong dinaluhan. "Oh my God, ang daming mong sugat!" Halata sa boses nito ang matinding pag-aalala. Doon lumapit muli si Matteo na may dalang stretcher na halatang gawa-gawa lang niya. Kasama nito ang isang lalaking tila ka edad din niya at pinagtulongan akong buhatin. "She's fine, Mr. Silvia. Kaonting galos at bugbog lang naman ang natamo niya. Mabuti ay agad napahinto ang kabayo kung hindi ay malamang nabalian na nang paa itong si Audrey." Sumulyap pa sa akin ang duktor na sumuri sa akin bago ngumiti. "Salamat kung ganon Dr.Perez," ani daddy matapos ay lumigid sa kama ko para haplosin ang ibabaw ng aking buhok. "Kamusta ang pakiramdam mo hija?" Malambing na tanong sa akin ng aking daddy. "I'm okay Dad, makirot lang po ang mga sugat ko," I whispered weakly. "Pasalamat tayo sa diyos dahil iyan lang ang natamo mo," sabi pa nito. "Pasalamat tayo kay Matteo dahil siya ang nagpatigil kay Hoover." Biglang sabat ni ate Nikka sa nasa tabi mismo ni daddy na halos mawasak ang labi sa lawak ng pagkaka ngiti sa akin. Nadepina ang labi ko sa kanila matapos ay pinagsalikop ang dalawang kamay na kanina ay hawak niya. Humalik si daddy sa buhok ko matapos ay inaya nang lumabas ang duktor palabas ng aking silid. "Sinadya mo yon anoh?" Biglang sinabi ni Ate Nikka nang maiwan kaming dalawa sa aking silid. "Ang ano? ang ihulog ang sarili ko sa kabayo para mapansin niya lang? Ano ako tange?" Pinanlakihan ko ito ng mata pagkatapos. "Malay ko ba, ikaw ang nagpapatakbo kay Hoover ano!" Pinag-ekis ang dalawang braso sa aking harapan at hinintay ang mgiging sagot ko. "Aksidente ang nangyari, hindi ko isusuong ang sarili kong buhay para lang mapansin niya." "Okay," aniya na agad tumayo para na lumabas ng aming silid. Ako naman ay pinilit naipikit ang mga mata para matulog nalang. Ilang araw din akong hirap maglakad dahil sa pasa sa aking binti at mga sugat sa braso. Ilang araw din akong lumiban sa klase dahil sa aksidente. "Oh, hija kamusta ang paa mo?" tanong sa akin ni mommy nang makaharap ko sa hapag para mag-almusal. "Ayos naman na po, mom." "Pasalamat tayo kay Matheo dahil napigilan niya 'yong kabayo, kung hindi baka nakasaklay ka ngayon." Seryoso na ang tinig ni Mommy sa akin. "Mommy, hindi naman po siguro." Sumulyap pa ako kay Ate Nikka na tumaas naman ang kilay sa akin. Doon pumasok si Daddy, hinubad ang kaniyang suot na sumbrero. Sa tabi nito ay ang lalaking sa tindig palang ay pumipitik na ang aking murang puso. "Oh Dad, mabuti nandiyan kana, halika ka na't kumain." Sinabi ni Mommy dito. "Matteo sabayan mo na kaming mag-almusal." Pag-aaya dito ni daddy. Mabilis akong yumuko dahil sa hiyang bumalot sa katawan. "Hindi na po, sir,nwala pong kasama si Lola sa kubo." Magalang na wika ni Matte na ikinahigpit ko ng hawak sa kubyertos. Naramdaman ko ang paa ni ate Nikka-ng sumipa sa akin sa ilalim ng lamesa dahilan para makagawa ako ng ingay. Paano'y sinipa pa nito mismo ang sugat ko sa binti. Nang sulyapan ko ito ay ganoon nalang naglaro ang ngiti niya ate sa kin. "Audrey, hindi kaba magpapasalamat kay Matteo? Diba niligtas ka niya sa kapahamakan?" Tila tudyong sinabi ni Ate Nikka sa akin bago inilipat ang mata sa lalaking nakatayo malapit kay Daddy. Dahil sa ginawa nito ay gumanti ako ng sipa, kaya napa-aray ito sa sakit. "Anong ba iyon Nikka?" Kunot noong tanong ni Mommy dito. "Ah, si Audrey po kasi ayaw mag pasalamat kay Matteo." Nagdudumilat ang mga mata nito sa akin. Lumipat naman ang mata ni Mommy sa akin at hinihintay akong magsalita. Marahan ko muna siyang sinulyapan bago sana magsalita pero na unahan na niya ako. "Wala po iyon, kahit sino naman po gagawin ang ginawa ko, natapat lang po na ako ang malapit sa lugar," sinabi nito na diretsong nakatingin kay mommy. Agad na namula ang dalawang pisngi ko dahil sa hiya. He does not let me to thank him for saving my life. Ngayon paano pa ako magkakaroon ng pagkakataong makausap ito? "Salamat pa rin sa tulong mo Matteo," marahang sinabi ni mommy. "Pano mauna na po ako." Magalang pang wika nito bago tumalikod na sa amin. Doon ko lang siya muling sinulyapan nang palabas na ng komedor. "Napakabait na bata." Narinig ko pang sabi ni Daddy na naupo na sa kabisera para simulan na rin ang pagkain. Ako nama ay nanahimik nalang habang kumakain dala ng pagkadismaya. *** "Hindi mo ba siya pupuntahan sa kwadra para personal na mag pa salamat?" Tumabi sa akin si Ate Nikka habang abala ako sa panonood ng movie. "Nagpasalamat na sila mommy kanina,!ayos na siguro iyon." Mahina kong sinabi, pero ang totoo ay gusto kong gamitin ang pagkakataong ito ito pasalamatan. "Hmm.. pwede ka pa rin naman magpasalamat, ikaw naman ang tinulongan niya at hindi sila mom," she said while her full attention was on the big screen. "Nakakahiya." My lips said. Kumuha ng ilang piraso ng chips na kaniyang hawak. She just shrugged her shoulder as a remark. "Nasaan pala sila daddy?" Kapag daka'y tanong ko para maiba ang usapan. "Nasa Maynila, bukas pa siguro ang uwe ng mga iyon." Sumulyap ako sa bukas na pinto, matapos ay sa TV screen na blangko ang isip. "Sige na mamaya uuwe na yon." Buyo pang muli nito sa akin. Napailing ako na sumandal sa couch dahil sa nararamdamang kaba. Doon ako nilingon ni ate na kunot ang noo. "Magpapasalamat ka lang naman, ayaw mo, edi 'wag?" Binalik nitong muli ang pansin sa panonood. Ilang sandali pa akong nag-isip bago pinasyang tumayo. Siguro nga ay dapat akong personal na magpasalamat dito. Kahit alam ko naman ang dahilan kung bakit niya 'yon ginawa ay lakas loob ko pa rin hinakbang ang mga paa ko palabas. "Goodluck!" Pahabol na sigaw ni Ate Nikka na siya kong inirapan. Bumaba ako ng baitang ng bahay at huminto sandali para tingnan ang kwadrang bukas ang ilaw mula dito. Humugot muna ako ng hangin sa dibdib bago ko pinasyang ihakbang ang mga paa palapit doon. Maririnig mula dito ang pag anggil ng mga kabayo dahil sa may nganganak na inahin. Marahan akong pumasok sa loob at tumuloy sa isang kwadrang bukas.. Sumilip ako para manood sa kanilang ginagawa, nandoon si Mang Fred at isang tauhan ni daddy habang si Matteo ay nakatalikod sa akin na walang suot na damit pang itaas. Naagaw ng pansin ko si Mang Fred, "Ma'am, Good evening po, ano pong ginagawa ni n'yo dito?" tanong nito sa akin. Hinintay kong lingonin niya ako pero bigo ako dahil naka focus ito sa nanganganak na kabayo. "Gusto n'yo po bang manood?" Naka ngiti nitong tanong muli sa akin. Nagliwanag ang mukha ko sa narinig, "Puwede ho ba?" "Abay opo." agad nitong sagot, kaya ang ginawa ko ay tuluyan na akong pumasok sa loob at tahimik na nagmasid sa kanilang ginagawa. Habang nanonood ay hindi ko maiwasang panoorin din ang bawat pag galaw ng balikat at braso ni Matteo at ang pasimple niyang pagpunas ng pawis habang hinintay na lumabas ang bagong silang na bisiro. Hindi ko maiwasang makagawa ng ingay dala ng gulat pagnaririnig ang pag anggil ng kabayo, kaya mabilis akong nagtakip ng bibig nang lingonin niya ako. Sandali itong tumuwid ng tayo, bago ako harapin. "Baka pwedeng sa labas ka muna, nagugulat kasi 'yong kabayo sa ingay mo." Seryoso nitong sinabi habang nagpupunas ng pawis gamit ang braso. Hindi ako agad nakakilos dahil sa narinig, marahan ko siyang tiningala na nasa akin nang harapan ngayon. Nakita kong kumunot ang noo nito sa akin kaya doon lang ako nakahuma. "Ha? Ah, sige." Mabilis ko itong tinalikuran at nagmamadaling lumabas ng kwadrang iyon. Minabuti kong maghintay nalang sa tabi ng puno kung saan may upuang kawayan na inilaan para pagpahingahan ng mga trabahador. Ilang minuto pa ako doon, na sinisipa ang buhangin habang nakatingala sa madilim na langit. Hindi ko alintana ang lamig ng simoy ng hangin na dumarampi sa balat ko. Napalingon ako nang lumabas ang isang tauhan mula sa kwadra na agad kong ikinatayo. Sandali pa akong naghintay at maya pa ay lumabas naman si Mang Fred na may dalang balde. "Oh, ma'am nandyan pa ho kayo?" Takang tanong nito. "Nanganak na ho ba 'yong kabayo?" Humakbang ako palapit dito. "Oho, babae po, ma'am." Nakangiti nitong sinabi na naglakad na palabas ng kwadra para siguro kumuha ng tubig sa malapit na ilog. Sandali pa akong naghintay ng paglabas ni Matteo ngunit bigo ako, kaya kahit kinakabahan ay pinasya kong ihakbang ang mga paa papasok ng kwadra. Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago ko tungohin ang loob kung saan siya naroon. Pero laking gulat ko nang mag kasalubong kami. I stood frozen in my feet. His eyes that so dark and dangerous made my knees go weak. "Anong ginagawa mo dito?" Napa awang ang bibig ko nang magsalita siya sa harap ko ng ganoon kalapit. Hindi rin nakaligtas sa akin ang paggalaw ng panga habang nakayuko sa akin. "Gusto...ko sanang.." Nadepina ang labi ko dahil binalot na ako ng matinding hiya at malakas na pagtambol ng puso dahil sa kanya. "Titiningnan mo ba ang bisiro?" "Oo sana." Mabilis kong sagot at nilampasan ito para tungohin ang bisirong nakahiga malapit sa kanyang Ina. Matapos ay nilingon ko ito para mabigo dahil tuluyan na itong lumabas  ng kwadra. Nakagat ko ang labi ko sa sobrang pagkadismaya kaya mabilis akong lumabas para matigilan. Nakatayo siya sa ng gilid ng pintuan habang nagpupunas ng pawis sa katawan, marahil ay naramdaman niya ang presensya ko kaya ito lumingon. Tinapos nito ang ginagawa at tangka nang lalabas pero agad ko siyang tinawag. "Teo!" Tawag ko, na siya niyang ikinahinto at ikinalingon sa akin. Agad naman akong humakbang palapit dito. "Ah, gusto ko sanang magpasalamat sa pagtulong mo sakin, noong isang araw." Tumigil ako sa pagsasalita dahil sa bumaba ang tingin niya sa pagbuka ng aking labi. "Ah... salamat ulet." Mahina kong sinabi na bahagyang yumuko. Narinig kong nagbitiw ito ng marahas na paghinga kaya bumalik ang tingin ko dito. "Ginawa ko lang ang dapat." Malalim ang boses na sabi niya, matapos ay tuluyan nang naglakad palabas. Naiwan akong nakatanaw lang sa kaniyang palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD