Kabanata 30 Maaga akong nagising kinabukasan para kamustahin ang lagay ni Lola Yolly, maagap ko siyang dinala sa hardin bago pa maluto ang almusal. "La, mas mabuti kung sasagap kayo nang maagang hangin para mas lalo kayong lumakas." Ngumiti ako rito at hinaplos ang mga binti nito para ma-relax. "Salamat apo, mukang maganda ang panahon ngayon." Maaliwalas nitong sabi saakin. "Oho, kaya dapat kumain kayo para lumakas at hindi na magkasakit." Ngumiti akong muli rito.. "Lola oras na po nang almusal." Lumapit saamin si Valerie. Kaya tinulak ko na si Lola papasok sa Dining area.. "Tawagin mo na si Matteo at Aira." Narinig kong sabi ni Lola kay Josie.. Nadepina ang mga labi ko sa narinig at itinuon nalang ang pansin sa kinakain. "Audrey kamusta naman ang pamamalagi mo sa hacienda?" Panim

