"M-MAMA, b-bakit niyo po ako sinampal?" hindi makapaniwalang tanong ni Isabella sa mama niya habang sapo pa rin ang pisnging alam niyang namumula na ngayon. Isang ngisi ang namutawi sa mga labi ng mama niya bago ito nagsalita. "At talagang tinanong mo ako niyan, Isabella? Alam mo, hindi ako galit dahil umalis ka na hindi nagpapaalam sa akin. Alam mo ba kung ano iyong naramdaman ko nang malaman ko kay Jodi na nagtungo ka sa siyudad para ipagpatuloy iyong pagtatrabaho kay Ate Magda? Nagalit ako noong una pero natuwa ako kasi handa kang gawin ang lahat para sa kapatid mo. Tanggap ko iyon, Isabella. Ang hindi ko lang matanggap ay kung paano mo kami inabanduna na para bang wala ka ng pamilyang uuwian. Ang sakit-sakit nang malaman ko kay Ate Magda na wala ka nang pakialam sa amin. Bakit, Isabel