"Bakit mo siya binigyan, Travis? Mamimihasa siya!" may galit niyang anas kay Travis at naiinis na tinalukuran ito. Pero hindi pa man siya nakakailang hakbang nang hawakan nito ang braso niya at pinihit siya paharap dito. "Hindi na iyon mauulit, Isabella. Una't huli na iyon kaya hindi mo kailangang magalit sa akin. Please, huwag ka nang magalit sa akin." Nangungusap ang mga mata nito sa kaniya. Isang buntong-hininga ang ginawa ni Isabella bago tumango. "Huwag mo na iyong uulitin. Kilalang-kilala ko si Kuya Joel." Tumango si Travis. "I will, Isabella. Kumusta ka? Maayos ka na ba?" Pekeng ngumiti si Isabella at bumaling sa mama at papa niya na nakatayo pa rin sa harap ng kabaong ni Ivan. "Hindi pa ako maayos, Travis. Magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatanggap na wala na ang kapat