Daisy NAPANGITI na lamang ako habang pinagmamasdan ang mahimbing na pagtulog ni Lance. Tawang-tawa ako dahil suot niya ang color pink kong bathrobe. Kulang na lang sa kanya ay lipstick, pink headband at napakaganda na niya. Halatang puyat na puyat siya. Ginawa pa niyang pampatulog ang dibdib ko kaninang madaling araw. Para siyang batang nakatulog habang dumidede sa nanay. It is now seven in the morning. Balik-trabaho na akong muli ngayon dahil Monday. Hahayaan ko na lang muna siyang matulog dyan. Maingat akong bumangon upang hindi ko siya magising. Nakatihaya naman na siya at bagsak na bagsak ang katawan. Humihilik pa siya at bahagyang nakabuka ang bibig. Ang gulo-gulo na rin ng buhok niya. Pero bakit ang gwapo pa rin? No, maganda pala. Ang ganda-ganda niya sa bathrobe ko! Naisipan ko