Daisy GABI na nang kami ay makauwi sa La Grande Homes dito sa Ortigas. Sa labas na rin kami nag-dinner kanina. Pero umalis din si Lance dahil ipinatawag daw siya ngayon ng Chief Detective nila. Wala na kasi siya sa standard ranks lang ngayon. Isa na siya ngayong Senior Detective Officer, na nasa high ranks na kaya mas hectic na ang schedule niya ngayon. Major high-profile cases daw ang mga hinahawakan nila. And I am very proud of him. Ang galing-galing niya. Hindi aakyat ang rank niya kung hindi siya devoted sa trabaho niya. Matutulog pa rin akong may ngiti sa mga labi. Hindi ko makalimutan ang buong araw naming pagsasama kanina. Muli ko ring inalala ang unang date namin noong Friday night, hanggang sumapit ang Saturday at hanggang kanina. Para pa rin akong lumulutang sa ulap hanggang