Daisy MATAPOS naming mag-dinner date ni Lance ay naligo na muna ako. Siya na rin ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Naglagay pa rin ako ng pantyliner dahil may patak-patak pang natitira sa regla ko. Malas. Hindi pa nasaid. Isang manipis na pink nighty na lamang ang isinuot ko para diretso tutulog na lamang ako mamaya. Preskong-presko na ulit ang pakiramdam ko ngayon at ang bango-bango ko pa. Paglabas ko ng silid ko ay naka-on na ang tv sa living room at naroroon na rin si Lance. Nakaupo na ito sa sofa. Naka-boxer short na lamang siya at sandong puti. Nakasampay naman sa armrest ng sofa ang mga pinaghubaran niyang jacket, pants at t-shirt. "Sa kwarto ko na lang ilalagay 'yang mga damit mo." Nilapitan ko ang mga ito at binuhat. Siya naman ay nakatitig sa akin habang may munting n