Daisy "Mommy..." Minabuti ko na munang iikot ang camera at hindi na muna ipinakita si Lance kay Mommy. Nakatitig naman sa akin si Lance habang nasa harapan ko. "Anak, kumusta ka na dyan? Nakauwi ka na ba?" "Yes, Mom! Kakarating ko lang po talaga." Hinarap ko na rin siya sa screen. Mukhang nasa kusina na naman siya ngayon at magluluto na naman nang pagkain ng pamilya namin. Nakikita ko rin sa background ang ilang kasambahay namin. "How about Jr? Nakauwi na rin ba siya?" "Hindi ko pa po siya nasisilip sa unit niya, Mommy. Titingnan ko pa lang po. Maya-maya na lang kasi napapagod pa ako, eh. Nagpapahinga pa ako." Ngumiti naman siya. "Kumusta naman ang trabaho? Baka nahihirapan ka." "Hindi naman po, Mommy. Mani-mani lang po ito sa akin. Kayang-kaya." Napasulyap ako kay Lance na nagtun