Daisy "Tita!" "Daisy!" Kaagad akong humalik sa pisngi ni Tita Danica pagpasok ko dito sa loob ng bahay nila. "Oh, bigla kang napadaan dito. Wala ka bang trabaho ngayon?" "Meron po. May naiwan lang po akong gamit sa room ni Dasia. Kukunin ko lang po." "Oh, sige na. Kunin mo na lang kung anuman 'yon." "Thank you po, Tita. Nakauwi na po ba ang mga pinsan ko?" "Naririyan na silang lahat sa taas." "Sige po." Tuloy-tuloy na akong umakyat sa hagdan. Kaagad din naman akong nakarating sa second floor. Napatutok ang paningin ko sa silid ni Meteor. Doon kaagad ako dumiretso. Lahat ng silid nila dito ay sarado. Si Dasia naman ay mamayang hapon pa uuwi mula sa trabaho. Tuluyan na akong nakarating sa pinto ng silid ni Meteor. Inilapat ko muna ang tainga ko dito upang pakiramdaman siya sa loob