BLAIR VIPER TORO TUMAMA ang ulo ko sa bato. Napa-tihaya ako. Bumagal ang aking paghinga at kahit naka-mulat ang mga mata ko, ang labo ng aking paningin na halos wala talaga akong makita. Tinanaw sa itaaas ng bangin nang maaninagan kong parang sinisilip pa ako ng mga servant habang rinig na rinig ko ang mala-demonyo nilang halakhakan. “Tingnan mo, parang humihinga pa… barilin na natin at baka mabuhay pa ‘yan.” “Gaga, nagiisip ka ba? Kung babarilin natin ang babaeng ‘yan, hindi na disgrasya ‘tong nangyari at magdududa na ang makakakita sa bangkay n’ya kung mapansin nila na may tama ng bala!" “Oo nga pala… umalis na lang tayo rito.” “Iwan n’yo na ang kabayong ‘yan. Ang alagang ‘yan ni Sir Chad ang bibintangan ng kamatayan ni Blair.” Kahit wala na akong maramdaman sa katawan ko, sinusub