BLAIR VIPER TORO Siguro naman, magiging payapa ang araw ko ngayon dahil wala nang mga magaabala sa ‘kin. Iniiwasan ko lang ‘yong mga bahagi ng farm kung saan may makakasama akong hindi ko kilalang mga servant at lahat kasi sila, mga chismosa talaga. Sana pala araw-araw na may duty si Regis doon sa village na sinasabi nila para mas marami akong oras sa sarili ko. “Magandang umaga po... Nandito po ba si Blair… ano nga ulit ‘yon? Blair… Torio? Toro?” Habang pinapakain ng mga mansanas ang mga kabayo rito sa loob ng kulungan, bumukas ang nakasaradong pinto ng istabla at tinatawag ng babae ang pangalan ko. “Blair?” Iniwan ko ang kabayo at lumabas sa kulungan. Kaagad akong nakita ng babae. “Ikaw ba si Blair?” “Oo, ako nga? Ano sana?” “Dalhin mo raw ang kabayo ni Sir Chadler sa gubat… sa