BLAIR VIPER TORO BUMUGA ako ng malalim na hininga nang lumagpas na kami sa boundary ng lupain ni Regis. Sinabi ko na kay Mang Pablo na sa terminal n’ya lang ako ng mga tricyle ihahatid. Nang makarating na kami roon, may kinausap na ako na driver at sinalin na ni Mang Pablo ang mga gamit ko sasakyan. “Kuya Pablo, salamat po sa lahat.” At bahagya akong yumuko sa kan’yang harapan. Mabagal s’yang humakbang palapit sa ‘kin at marahan akong niyakap. Tinapik-tapik pa ang aking likod. Bahagya akong napa-pikit. Sa kan'ya ko lang naranasan na kung paano kumalinga ang isang tatay. Isa s'ya sa mga taong pinasasalamatan ko ng husto. “Alagaan mo ang sarili mo, Blair…” Mabilis akong tumango at kumalas na s’ya sa pagkakayakap. “Sana hindi pa ‘to ang huli nating pagkikita…” Nginitian ko s'ya. Namaalam