BLAIR VIPER TORO NILAYUAN ko si Regis. Dire-diretso ang aking mga hakbang, inaapakan ang namumukadkad na mga bulaklak. Hindi ko s’ya nilingon. Nasa katinuan pa rin ako, nagdadalawang isip ako lagi na papatayin ko na lang ang sarili ko o habang buhay na magdurusa. Hindi ko alam kung ano ang nagpipigil sa ‘kin na hindi ko ituloy dahil kung ang utak ko lang ang masusunod, matagal na sana akong nilibing sa puntod nina mama at Brion. Gusto ko na lang silang samahan doon kaysa habang nabubuhay ako, dala-dala ko ang lahat ng trauma ko. Gusto ko na rin kasi mag-pahinga. ‘Yong hindi na ako magigising. Pero ano itong pumipigil sa ‘kin? Hindi ako natatakot mamatay. Hindi ako natatakot na makaramdam ng sakit na gagawin ko sa katawan ko pero nakakapagtataka dahil parang may bumubulong s