REGIS DEMORGON C3

1578 Words
BLAIR VIPER TORO IKINAGULAT kong malaman na s’ya ‘yong lalakeng nagaagaw buhay na hindi ko tinulungan doon sa bundok. Hindi ko alam na may malaking mans’yon pala sa parte ng lugar namin na ‘to pero mas naintriga ako sa binaggit n’ya sa ‘kin na ako raw ang hampas lupa na nakikitira sa kan’yang lupain? “Bitawan n’yo ako!” malakas kong sigaw habang sinusubukang pumiglas sa dalawang lalakeng kapit-kapit ang mga braso ko. “Ikaw ba ang anak ni Bruce Toro?” Tinapunan ko ng nanlilisik na tingin ang lalakeng naka-wheel chair. “Oo, ako nga at ano ‘yong sinabi mong nakikitira lang ako sa lupain mo? Sa amin ang lupang tinitirikan ng bahay namin—“ “Naibenta na sa akin kahapon ng iyong ama...” Natigilan ako sa aking narinig. “A-Ano?” mahinang usal ko. “Ako na ang nagmamayari ng bayang ito.” Dahan-dahang lumaki ang mga mata ko. “H-Hindi puwede!” Marahas akong umiling. “I have a question for you, Miss Toro…” Diniin ko ang aking panga. “Why didn’t help me? I was begging desperately...” “Huwag mo akong kausapin! Pakawalan n’yo na ako at kailangan namin mag-usap ng tatay ko!” Unti-unting sumilay ang ngisi sa sulok ng mga labi ng lalake. “Do you think I will let you go after you have done to me?” mabagal n’yang sambit habang lumalalim ang kan’yang boses. “Iniwan mo akong parang hayop sa gubat na iyon. Hindi ko papalagpasin ang ginawa mo sa akin… Walang kapatawaran—“ “Tahimik! Wala akong pakealam sa ‘yo! Pakawalan n’yo na ako!” Ginamit ko ang aking lakas para matanggal ang pagkakakapit ng mga lalake sa braso ko. “Pakawalan n’yo na ako!” sigaw ako ng sigaw sa silid na iyon habang pinagmamasdan lang ako ng mistyeryosong lalake. Ngayon lang ako nakakita ng lalakeng nakilabutan ako sa pagkakatitig n’yang iyon pero wala akong panahon sa kan’ya! Kailangan kong maka-usap ang tatay ko sa nalaman ko! Hindi n’ya puwedeng ibenta ang lupang ‘yon! “Knock her out.” Habang sapilitan akong kumakawala sa dalawang lalake, napa-pikit ulit ako ng mariin nang may sinaksak ulit na tila karayom sa batok ko at doon na naman nandilim ang aking mga mata. Bumagsak-bagsak ang mga talukap ko at ang huli kong nasilayan, ang mababangis na mga mata ng pinuno nila na naka-titig lang sa ‘kin hanggang sa nawalan ako ng malay. “Miss, gising na. Kumain na muna kayo.” Naalimpungatan ako nang um-echo sa mga tainga ko ang boses ng isang babae. Napa-balikwas ako sa pagkakabangon at nanlaki ang aking mga mata nang makita kong parang nasa loob ako ng kulungan. “N-Na saan ako?! A-Anong lugar ‘to?!” Palinganga ako habang bumibilis ang pag-t***k ng puso ko. “Kumalma kayo. Nasa underground prison lang kayo ng mans’yon ni Boss Regis… ‘Wag kang magalala… ilalabas ka nila rito pero kumain muna kayo.” Inangat ko ng tingin ang babaeng naka-tayo sa labas ng bakal na rehas. Gumapang ako palapit doon. “A-Anong nangyari?! Bakit nila ako dinala rito?!” Kumibi’t balikat s’ya. “Aba malay ko… hindi ka naman siguro rito ikukulong kung wala kang kasalanan. Ano ba ang ginawa mo? At saka… hindi ka pamilyar kung servant ka rito sa manor…” Doon ko naalala ang nangyari kanina. Dahan-dahan akong napa-upo at sinabunot ng mariin ang ulo ko. “May ginawa kang matinding kasalanan, ano? Nag nakaw ka ba?” Binalingan ko ng masamang tingin ang babae. “Luh, bakit ganiyan ka makatingin? Nagtatanong lang ako dahil—“ “P-Palabasin mo ako rito!” Kumapit ako sa rehas sabay humugot ng lakas para tumayo. Napa-atras s'ya. “Ano ka ba? Wala akong kontrol sa mga susi ng mga bilanggo. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa ‘yo pero heto.” Dahan-dahan s’yang yumuko at nilapag ang tray sa sahig. May bowl na naka-patong doon at ilang pirasong tinapay. “Kainin mo ‘yan dahil susunduin ka ng soldier dito.” “S-Soldier?” “Mga tauhan ni Boss Regis.” Tumayo s’ya ng tuwid. “Bye na, maiwan na kita rito.” Lumaki ang mga mata ko nang humakbang na s’ya palayo sa mga rehas. “T-Teka sandali! ‘Wag mo akong iwan! T-Tulungan mo ako!” sigaw ko sa kan’ya pero parang wala lang narinig at tuloy-tuloy lang ang lakad n’ya palapit sa hagdan. Nanginig ang mga labi ko habang humihigpit ang pagkakakapit ko sa malamig na rehas. Wala akong oras para mapadpad sa lugar na ‘to. Marami pa akong dapat gawin at nagaantay pa sa ‘kin ang mga obligas’yon. Habang malalim na nagiisip sa tagong silid na ito, napa-alerto ako nang marinig kong may mabibigat na mga yabag pababa ng hagdan. “Ilabas n’yo na ako rito!” Nasilayan ko ang isa sa mga tauhan ng Regis ang sumulpot. Napalunok ako ng mariin. Nakita kong may mahabang baril na naka-sablay sa kan’yang dibdib. Tinikom ko ang aking mga labi. Bahagya akong umatras palayo sa rehas habang patungo naman s’ya sa selda kung saan ako naroroon. “Papatayin mo ba ako? Dahil ba ‘to sa pinuno n’yong hindi ko tinulungan?! Hindi ko ginawa ‘yon dahil ilang kilometro pa ang layo ng hospital dito—“ “Kay Boss Regis ka na lang mag paliwanag, Miss…” Tumigil s’ya sa tapat ng selda at may kinalikot. Nairinig kong may tumutunog habang may pinipindot s’ya sa gitnang parte ng selda. Nabigla na lang ako nang bumukas pahati ang dalawang bakal na rehas. Humakbang s’ya papasok dito sa loob at lumapit sa ‘kin. Pinaningkitan ko s’ya ng mga mata. Sinalubong n’ya ako ng tingin. “’Wag mo sanang maisipan na manlaban, masasaktan ka lang lalo, Miss.” Mukhang nabasa n’ya ang susunod ko sanang gagawin. Kahit alam kong delikado pero gustong-gusto ko nang umalis dito! Kinapitan ng lalake ang braso ko at tinulak sabay puwersahang pinatalikod sa pader. “A-Anong ginagawa mo?!” “Stay still. Poposasan kita, utos ni Boss Regis.” Narinig ko na lang ang kalansing ng posas at ni-lock n’ya iyon sa magkabila kong mga pulsuhan. “Sumunod ka sa ‘kin.” Binitawan n’ya ako at marahas ko s’yang hinarap. Mariin kong nilunok ang sarili kong laway. Hindi ko kabisado ang lugar na ‘to. Gusto ko sanang sungayin ang taong ‘to habang naka-talikod na sa ‘kin at tatakbo ako paakyat sa hagdan. Pero hindi ko alam kung anong panganib ang naghihintay sa ‘kin. Natatakot ako. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng takot. Baka patayin nila ako at hindi na ako makakabalik pa sa ‘min. Bumuga ako ng malalim na hininga at sinundan na lang ang lalake. Nararamdaman ko ang pangangatog ng aking mga tuhod. Humakbang kami palabas ng selda at tinahak ang daan patungong hagdan. Inakyat namin iyon. Ang tarik ng nilakad namin hanggang sa dinala kami sa nagiisang pinto—na hindi ko alam kung pinto nga talaga dahil may pinindot pa sa gilid ng pader ang lalake at awtomatikong bumukas. “Get in.” Mas nauna s’yang pumasok. Sumunod naman ako. Nakita kong may pinindot naman s’yang umiilaw na numero mula rito sa loob. Automatic na sumara ang pinto at naramdaman kong bumaba ang silid na ikinamangha ko. Panay tingin ako sa bawat sulok hanggang sa narinig kong bumukas na naman ang dalawang pinto. Nanlaki ang mga mata ko. Dinala kami sa maaliwalas na at malawak na silid. Napa-tingala ako sa matarik na kisame at nasilayan ko naman ang dalawang naglalakihang mga hagdan sa kaliwa’t kanan. Sinundan ko pa rin ang lalake at nakarating kami sa isang matarik na pintuan at pinagbuksan kami ng mga kauri n’ya roon. Bahagyang nanliit ang mga mata ko nang bumungad sa ‘kin ang nakakasilaw na liwanag ng paligid. Napagtanto kong nasa labas na nga kami. Malawak na bakuran. May mga kotche na naka-park na ngayon lang ako naka-kita ng mga ganoong klaseng mga sasakyan. Sunod sa ‘di kalayuan ang damuhan at kalsada na konektado sa bakuran. Natatanaw ko sa malayo ang mga kakayuhan. Pinapamilyaran ko ang lugar na ‘to pero hindi ko talaga alam kung saang lupalop ako ng bundok. Bumaba ulit kami ng hagdan at sinakay ako sa isa sa mga kotche. Dinaanan namin ‘yong kalsada. Naka-dungaw ako sa nakasaradong bintana. Tinatanaw ko ang mga dinadananan namin sa labas nitong kristal. “Saan n’yo ako dadalhin?” “Kay Boss Regis.” Mahaba ang biyahe hanggang sa pinasok na lang ako sa istabla ng mga kabayo. Patulak akong pinahakbang ng lalake at huminto ako sa bungad ng entrance. Saglit kong tinigil ang aking pag-hinga nang matanaw ko na naman ang Pinuno nila. Nasilayan ko s’yang naka-upo pa rin sa wheel chair habang hinihimas ang panga ng kabayong kulay itim. May dalawang lalakeng naka-bantay pa rin sa kan’ya at ang kinatatakutan ko talaga, ang mahahabang baril na kapit-kapit na nila habang sinusulyapan ako. “Ibalik n’yo na ako sa bukid kung saan ako nanggaling,” mariing usal ko. Napa-tigil ang kamay n’ya sa paghihimas ng kabayo at dahan-dahan akong binalingan ng matalim na tingin. “From now on, this is your home.” Iyan ang maawtoridad n’yang pahayag na ikinalaki ang mga mata ko. “And…” Umakyat ang lamig ko sa katawan nang masilayan ko na naman ng nakakagimbal n’yang ngisi. “I will punish you for abandoning me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD