REGIS DEMORGON 2

1822 Words
BLAIR VIPER TORO HINDI ako nag tagal kina Tita at umalis na ako. Naibigay ko na sa kapatid ko ang panggastos n’ya. Nilakbay ko ulit ang mahabang lakarin paakyat ng bundok. Habang papalapit ako sa bahay, napa-kunot ang noo ko nang may lumabas na lalake. Si Mang Roger. Tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko at nang humakbang s’ya, agad na napatigil dahil nasilayan n’ya ako. Sumalpok ang aking mga kilay. Pasalin-salin ang mga mata n’ya na hindi alam kung saan titingin. Imbes na tatahakin din n’ya ang daan kung saan ako naglalakad, mabilis s’yang tumakbo sa ibang bahagi ng gubat. Bumuga ako ng marahas na hininga at dire-diretso akong lumakad papasok ng bahay namin. Pag-pasok ko, naabutan kong binubutones ni Elenor ang blouse n’yang suot. Napansin n’ya naman ang presens’ya ko pero pasimple s’yang tumikhim habang sinusulyapan ako. “Magkano ang binigay sa ‘yo ni Mang Roger?” malamig kong tanong. “F-Five hundred.” Ngumisi ako. “Alam mo na ang gagawin mo.” “O-Oo,” pabulong n’yang tugon. Nakita kong may dinampot s’ya sa ibabaw ng mesa. Humarap s’ya sa ‘kin. Binalingan ko agad ng tingin ang hawak n'ya. “Two hundred fifty?” Binalik ko sa kan’ya ang aking atens’yon. “’Yan lang?” Sinalubong n’ya ang mga mata ko. “Hati tayo, ‘di ba?” mahinang usal n’ya. Inangat ko agad kaliwang kamay ko at akma s’yang susuntukin. Napa-yuko agad s’ya sabay pumikit ng mariin. “I-Ito na…” Kinuha n’ya ang natirang 250 pesos doon sa mesa sabay inabot ulit sa ‘kin. Marahas kong hinablot ‘yon sa kan’yang mga kamay. “Pokpok kang talaga. Alam kong hindi lang si Mang Roger ang pinapasok mo rito sa bahay mo,” natatawang usal ko. “Tabi.” Humakbang ako sabay marahas s’yang tinulak sa isang tabi. Napa-upo s’ya sa simento na wala akong narinig kahit isang reklamo. Magrereklamo s’ya? Gawin n’ya ‘yon para bugbog sarado s’ya si Papa. Minsan ko s’yang sinumbong noon dahil ayaw n’ya akong bigyan ng pera. Simula no’n, umalwan s’ya sa ‘kin. Nakakatawa lang isipin na ‘yong kinakawawa n’ya dati, s’ya na rin ang kinakawawa ngayon. Sa loob ng maraming taon, ginawa kami ng utusan ng babaeng ‘yan at walang araw na hindi kami nambubogbog ng kapatid ko. Kinarma tuloy. Ganito ka toxic ang pamilya namin pero sanay na ako at ito na ang kinagawian dahil kung magpapaapi ka lang or hahayaan lang ang mga ‘yan, ewan ko lang kung magtatagal ka. Naligo muna ako para matanggal ang mga dumi ko sa katawan. ‘Tong kabit ng tatay ko, ayaw mag trabaho sa bukid. Bumubukaka. ‘Yan ang pinagkikitaan naman n’ya. Kahit alam naman n’yang mali at delikado dahil baka matitigok s’ya sa magagawa ang papa ko, pero tuloy pa rin. Sinaway ko na ‘yan dati pa pero kakagaling lang dito ni Mang Roger. Suki n’ya. Naabot-abutan ko pa sila kaya nalimasan pa tuloy ng limang daan. Nang lumabaas na ako sa banyo, nagluluto na si Elenor ng hapunan namin. Pumasok naman ako sa kuwarto ko para makapagbihis. Maya-maya, dumating na ang tatay ko. Lumabas na ako dahil gutom na gutom na ako. Nakita kong kumakain na s’ya at tahimik akong umupo sa kan'yang harapan. Nilagyan ko ng kanin ang plato ko at kumuha ng isang pirasong pritong tilapya. “Blair.” Habang ngumuya ako, tinawag ako ng tatay ko. Hindi ako sumagot. “Blair, nakadalawang libo ka raw kay Tores kanina ah?” “Ano ngayon?” sabat ko. Tinawanan n’ya ako ng mahina. “Sa katapusan pa ako ng buwan makakasahod, pautang muna ako ng isang libo. Ibabalik ko rin.” Tinapunan ko ng masamang tingin ang tatay ko. “Kakagaling ko lang kanina kina Tiya Brenda. Binigay ko na lahat dahil maraming panggagastusan si—“ “Punyeta na ‘yan.” Tumigil ako sa pagsasalita nang binagsak ni Papa ang kutsara sa ibabaw ng mesa. Sumama ang timpla ng kan’yang mukha. “Putang ina magugutom na tayo pero mas uunahin mo pa bayarin ng kapatid mo?” Ngumisi ako. “Mas pipiliin kong magutom para mabayaran lang gastusin ni Brion.” Naningkit ang mga mata ni papa. “Halos wala na tayong makain... tang inang ‘yan... sana bumili ka ng bigas at matinong ulam!” Lumakas ang boses n'ya. Hindi ko na lang s’ya binigyan ng pansin at binilisan ko na lang ang pag-subo ko para makaalis na ako rito. Mainit ang ulo ng matandang ‘to dahil magtatatlong linggo na yata akong hindi ko s’ya nabibigyan ng kahit mag-kano. Pambili n’ya lang naman ng alak at yosi. “Wala ka talagang kwenta! Kailan ka pa mamatay, ha?! Sarili mo na lang ang iniisip mo!” Marahas s’yang tumayo sa pagkakaupo. “’Pag wala ka pang ambag dito sa bahay, lumayas ka na lang!” “Bruce, tama na ‘yan…” Umawat na si Elenor. “At ikaw, bakit mo na naman kinakampihan 'yan?!” “Hindi ko kinakampihan ang anak mo… Matumal lang talaga ngayon… kung may pera naman si Blair, binibigyan ka naman ah—“ “Tahimik!” At doon n’ya tinulak palayo sa kan’ya ang kabit n’ya. “Bruce, ‘wag!” Iyan ang sigaw ni Elenor dahil kinapitan ng papa ko ang baston n’ya at walang hesitas’yon na hinambalos ‘yon sa tutok ng ulo ko. “Lumayas ka rito!” Nang tumama ang baston sa parteng ‘yon, hindi naman gaanong malakas pero bahagyang nandilim ang aking paningin. Doon ko dahan-dahan na nilapag ang hawak kong kutsara sa ibabaw ng plato ko. “B-Blair! Jusko po! May dugo!” Tumili si Elenor. Ramdam ko ngang may likidong dahan-dahang dumaloy sa aking noo pababa sa paligid ng ilong ko. Inangat ko ng nanlilisik na tingin ang tatay ko. “Kulang pa ‘yan!” Doon ulit inangat ang hawak na baston pero mabilis akong tumayo at binunot ko agad ang taga na naka-sabit pa rin sa tagiliran ko. Hindi rin ako nagdalawang isip na humakbang palapit sa papa ko pero bago ko pa s’ya maabutan, kaagad s’yang kumaripas ng takbo palabas ng bahay. Sanay na sanay na akong ganito lagi ang nangyayari rito sa bahay. Kaya lagi kong kasama ang taga kong ‘to para panakot sa tatay ko dahil alam n’yang tatagain ko talaga s’ya ‘pag hinawakan ko na ‘to. “B-Blair! Umalis ka muna rito! Du’n ka muna sa kubo mo! Baka may patalim na rin ang tatay mo mamaya! Bilis! Umalis ka na!” Ni hindi ko man lang natapos ang hapunan ko pero umalis na lang ako dala ang iilang mga gamit ko. Hawak-hawak ko ang patay sindi na lumang flash light, iyon ang ginamit kong ilaw sa daan paakyat pa ng bundok kung saan ako naguuling. Halos isang oras ang aking nilakad hanggang sa narating ko na ang maliit kong kubo na yari sa kawayan at nipa. Nilabas ko na ang posporo para masidihan ang gasera. Pinatong ko muna iyon sa papag. Nahihingal akong umupo sa hagdan habang umaalingasaw ang amoy ng gas galing sa pailaw ko. Umuugong sa mga tainga ko ang tunog ng mga maliliit na hayop at insekto. Ang dilim-diim ng paligid. Kinakailangan ko na palang bumili ng flashlight dahil mag-r-retiro na ‘tong ginagamit ko. Mabilis din nauubos ang gas lalo na’t ginamit ko pa kanina hanggang madaling araw. Hindi naman ako puwedeng tumira rito dahil hindi naman maiiwasan ang panganib. Kahit saksakan ako ng tapang, babae pa rin ako at umiiwas ako sa disgrasya. Sa paligid ng kubo kong ‘to, may mga taniman ako ng gulay at mais. Hindi pa puwede i-harvest kaya hindi muna ako nagpapalipas ng gabi rito. Dito lang ako natutulog kapag harvest season na. Iyon ‘yong wala akong choice na manatili na lang dito para hindi manakaw. Halos patay gutom pa naman ang mga tao rito. Ilang beses na akong ninakawan. Tinago ko nga ng maigi ang uling ko. Ibababa ko pa ang mga ‘yon bukas. Wala na kasi akong natirang oras kanina. Nag-pahinga lang ako saglit sa hagdan at lumabas muna ako para mahugasan sa aking balon ang mukha kong may bahid ng dugo. Maliit lang naman ang sugat ko sa ulo. Malayo sa bituka. Nilisan ko na lang ‘yon at bumalik na ako sa kubo. Sinarado ko na ang pinto at bahagyang hininaan ang gasera para maka-tipid. Humiga na ako sa aking higaan. Habang naka-titig lang ako sa bubong, ilang beses akong huminga ng malalim. Mas’yadong masalimuot ang buhay ko. Ang hirap pero patatagan lang at patibayan ng loob dahil may inspirasyon ako kaya ko ginagawa ang lahat ng ‘to. Sanay na akong mag-isa. Lahat ng mga pinagdaanan ko noon hanggang ngayon, doon ako humugot ng tapang na wala na akong sinasanto. Sa pagod ko at puyat, naka-tulog na ako. Kinaumagahan, kahit wala pang laman ang aking tiyan, bumangon na ako para magawa ang trabaho ko. Ala singko pa lang ng umaga, binaba ko na ng tig dalawa-han ang mga uling doon sa waiting shed. Alas nuebe na ako natapos dahil sa bundok pa galing ang mga ‘yon. Pagod na pagod na naman ako. Habang naghihintay ng buyer, tumungo muna ako sa maliit na tindahan at bumili ng makakain. Tinapay at tubig, busog na ako. Akala ko papaasahin ulit ako kagaya sana sa nangyari kahapon pero binalikan ako ni Mang Isidro. Inubos n’ya na lang lahat ng uling ko kaya tuwang-tuwa naman ako at naka-uwi na agad. Mapagkasya ko pa ang perang nalikom ko sa allowance namin ni Brion bago ako maka-benta ulit. Ang perang pinaghihirapan ko, hindi ko ‘yon ginagastos sa walang kwentang bagay. Kay Elenor ako humihingi ng pang yosi ko. Isang araw, pinangakuan n’ya ako na bibigyan n’ya ako ng pera pero hindi naman s’ya sumunod sa usapan kaya uminit ang ulo ko. Nasaktan ko na naman s’ya at umalis na lang ulit ng bahay. Sa gubat na lang ulit ako magpapalipas ng gabi para makaiwas sa gulo. Pero hindi ko inaasahan na may makita akong sundalong sugatan na nagaagaw buhay. Imposible na s’yang maka-ligtas dahil nakita kong malala na ang kondis’yon n’ya. Isa pa, ilang oras ang layo ng hospital kaya imposibleng makakaligpas pa s’ya. Wala akong panahon na sumagip ng buhay ng iba. Aksaya lang sa oras kaya pinabayaan ko s’ya sa parte ng bundok na ‘yon. Mukhang sundalo. Galit pa naman ako sa mga gaya nila dahil mga walang kwenta. Nang-r-raid sa mga liblib na gubat. Muntik na nga kaming napagkamalhan na terorista noon. Hinayaan ko ang lalakeng ‘yon pero hindi ko inaasahan na may naka-abang na palang matinding problema. Hinarangan ako ng mga grupo ng mga kalalakihan. Sinubukan kong lumaban pero nahimatay ako dahil may tinurok sila sa ‘kin. Paggising ko, napagalaman kong dinala pala ako sa teritoryo ng lalakeng nakita kong naghihingalo roon sa gubat. Naka-survive pala s’ya at mukhang may matinding sama ng loob sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD