BLAIR VIPER TORO Tama bang sasabihin ko na agad sa puntong ‘to? Umamandar kasi ang kalokohan n’ya ngayon. Bumuga ako ng malalim na hininga habang nagabang lang s’ya na bumuka ang bibig ko. “...dito na lang ako matutulog mamayang gabi,” mahinang usal ko. Nasaksihan ko kung paano lumiwanag ang imahe ni Regis na kulang na lang, lumipad na s’ya sa saya. “Really? Here? In my room? With... me? Just the two of us? Alone?” Sunod-sunod n’yang tanong sa ‘kin na parang susugurin n’ya ako ng yakap. Kapag sa tuwing nagsasalita kasi, lapit nang lapit ang katawan n’ya. “Kung may extra na kuwarto, roon na lang ako.” “But the rooms are already taken. There are no available… except here…” Akala n’ya siguro, maniniwala ako. “Ah basta sa sofa ka na lang matulog para komportable ako.” “Bawal bang m