Mukha namang okay sila. Dahil everytime na bumibisita sila sa akin ay kita at na obserbahan ko namang walang pagbabago sa relasyon nila. Tutunganga pa nga ako madalas kapag naglalambingan sila, eh. Kapag naman saglit akong umaalis, pagbalik ko'y naghahalikan na. Kaya ako na lang ang nag-a-adjust. Ako na yata ang pambansang third wheel sa dalawa. Mukhang okay lang naman sa kanila dahil sinasadya pa talaga ako nila sa bahay. "Akala ko ba ililibre n'yo ako? Bakit naman pupunta pa tayo sa bahay n'yo, Tim?" nakasilip ako sa kanila. Dito kasi ako sa backseat nakaupo. Habang ang dalawa ay sa harap. "May kukunin lang tayo, Clau. Naiwan kasi ni Tim iyong phone n'ya." "Ah!" siguro naman hindi ko kailangan bumaba, baka kasi ma-meet ko iyong mga tropa ni Satanas sa bahay ng mga ito, eh. Nakakahi