"Hindi ko alam, ang init talaga ng ulo no'ng mag-ina sa akin." Ka-video call ko si John, katatapos ko lang ikwento rito ang mga kaganapan sa buhay ko nitong mga nakaraang araw. Kung paanong pagkatapos ng lunch namin sa restaurant na iyon ay pasimple akong hinarang ni Tiara para lang sabihin na huwag na huwag kong tatanggapin ang ano mang offer ng kanyang ama. Wala naman akong balak pumasok sa mundo ng mga Faullo. Kung si Meridette ay masaya sa pamilyang iyon, ako hindi. Pero hindi pa rin naman ako tutol kay Tim at Meri, dahil nagmamahalan sila. Saka mabuting tao ang nobyo ng kapatid ko. "Iwasan mo na lang sila. Hindi mo deserve na matahin at maliitin ng mga taong masyadong matataas ang tingin sa sarili, dahil lang sa mga may pera sila at connection." "Iyon na nga, hindi ko naman tota