"Last na iyan, ha!" paalala ko kay Timothy nang dumampot na naman ito ng beer. Hindi ko alam kung kaninong bahay itong pinuntahan namin. Iyong mga tauhang inabutan namin ay yumukod rito. Baka isa sa property ng mga Faullo ang lugar na ito. Narito kami sa balcony, tanaw ko ang isang parte na sa tingin ko'y palaisdaan. Gusto ko sanang puntahan, kaso may isang lalaki na balak nang sairin ang laman ng mga boteng agad nitong iniutos kanina na dalhin dito. Nakalapat na bote na rin ako, pero hindi naman lasing. Medyo mainit lang sa katawan. Alam kong awatin ang sarili ko, pero si Tim hindi n'ya maawat ang sarili n'ya. "Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak. Clau, loyal ako kung magmahal. Renespeto ko rin si Meridette, never akong nagpadala sa tukso sa paligid ko. Gano'n ako magmahal, wagas.