Bago pa muling makapagsalita si Timothy ay dali-daling bumaba ako ng kama at hinanap ang mga saplot ko. Masakit ang katawan at gitna ko, pero hindi muna iyon ang inisip ko sa mga oras na ito. Patakbong nagtungo ako sa banyo para makapagbihis. Nang lumabas ako'y nakabihis na rin si Timothy. Akmang magsasalita na naman ito nang iangat ko ang isa kong kamay para pahintuin ito. Saka lumapit ako sa pinto, binuksan iyon at bago pa nito naawat ay kumaripas na ako palabas. Tinatawag ako nito, pero ang tanging kaya lang iproseso ng utak ko'y ang pag-iisip na makaalis na agad dito. Tamang-tama na may kotseng paalis, mamamalengke raw ang dalawang kasambahay. Kaya nakisakay na ako. Hindi na rin nahiyang humingi ng pamasahe sa kanila, nangakong babayaran na lang kapag nagkapera na ako. Wala rin naman