Chapter Fifty-two

3216 Words

"Clau, kita naman tayo." Iyon ang text ni John sa akin, habang busy akong magpamasahe ng binti sa asawa ko. Medyo nangalay kasi sa paglalakad kanina sa palengke. May mga binili kaming damit na pambahay, at iyon ang natitipuhan kong isuot kapag malaki na ang tiyan ko. Mabilis akong tumipa. "Sira! Nasa honeymoon kami ng asawa ko." Nilagyan ko pa iyong ng laughing emoji. Loko rin itong best friend ko, eh! Alam n'yang honeymoon namin ni Tim, tapos gustong makipagkita. "Nandito kasi ako sa metro. Akala ko narito ka rin sa apartment mo." "Ano na namang gagawin mo d'yan sa Metro? Parang naging monthly na ang luwas mo, ah? No'ng kasal ko, halos hindi ka nagtagas kasi busy ka." "Bibisitahin nga kita. May mga dala akong pagkain na galing sa Lola mo. So, paano ito? Sayang naman." Nasayanga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD