Seafood ang tanghalian namin ni Timothy. Ayon kay Mabel, fresh daw ang mga iyon. Inihahatid dito ng mga mangingisda at binibili naman nila. Gustong-gusto ko pa nga sanang magtagal sa pagkakaupo ko at pagkain, pero pinahinto na ako ni Timothy. Ayon sa kanya, hindi maganda kung sobra-sobra ang kainin ko. Dala nang kabusugan ay niyaya ko itong tumambay sa cottage sa harap ng rest house kung saan nakita ko ring may malaking papag. Inutusan ko itong magdala ng unan at sapin, kaya naman ngayon ay komportable akong nakahiga, si Timothy ang may gamit ng unan, habang ako naman ay nakaunan sa braso nito. "Timothy, kapag nakabalik na ako sa work at nakapag-ipon na ng pamasahe nila Lola, pwede ba natin silang ipasyal dito?" tanong ko sa lalaki. "Babalik ka sa work? Babe, hindi na kailangan. An