Chapter 14 3rd Person's POV Umuwi na sina Citroen. Pagbalik nila sa mansion nakita ni Coquelicot ang mga maid sa dining area at may hinahanda. "Foods!" Mabilis na tumungo si Coquelicot sa dining area at napatigil ang dalaga matapos makitang mga fishball, kikiam, kwek-kwek, palamig, squidballs at mga ihaw ang nandoon. Napatingin si Jaykie sa pinuno nila na naglalakad pataas ng hagdan. Nagtatalon si Coquelicot matapos makita ang mga iyon. "Citroen!" tawag ni Coquelicot. Sinabi ni Citroen na bababa siya after niya mag-shower at magbihis. "Inutusan ako ni pinuno kanina na bilhin lahat ng paninda noong manong na tinulungan ni Coquelicot at dalhin dito lahat," ani ni Benedict. Kinausap ni Citroen si Benedict habang nasa dress shop sila 'non. Pinako ni Jaykie ang tingin sa babae na i