Chapter 13 3rd Person's POV "I said ayoko!" sigaw ni Citroen. Tinabig ang hawak ni Coquelicot na stick ng fishball. Napatigil din ang mga tao na nandoon matapos makita iyom. Napatigil si Coquelicot. "Sinabi ko ng ayoko diba? Huwag kang makulit!" sigaw ni Citroen. Umalis ang lalaki at nilapitan sina Jaykie. Sakto dumating ang kotse. Inutusan ni Citroen si Jaykie na kuhanin ang babae. Umupo si Coquelicot at kinuha iyong isang stick ng fishball na inaabot niya kanina kay Citroen. Naghingi ng sorry si Coquelicot sa matanda na nandoon na ngumiti lang. Sinabing ayos lang iyon. Lumapit sina Jaykie at sinabing nandoon na ang sasakyan. Kinuha ni Jaykie ang hawak ni Coquelicot at tinapon sa basurahan. Puno ng lungkot ang expression ni Coquelicot matapos makita iyon. Inaya nina Jaykie a