Julia POV. 4 years later. "Mama, Mama, gising na please," maliit na tinig ang narinig ko habang panay ang bahagyang pagyugyog sa balikat ko ng kung sino. "Hmmm good morning mga anak," masayang sabi ko ng nabungaran ko ang kambal na sina Siegel at Shane. Sila ang maganda at gwapong na anak ko na regalo ng diyos sa akin. "Hindi na morning Mama, tanghali na po," sagot ng makulit at madaldal na si Siegel. "Oo nga Mama, tanghali na po. Bumangon ka na po at nag-aaway na naman sina Daddy Ace at Tita Belle sa baba," nakasimangot na sabi ni Shane. Natampal ko ang noo ko. Ano na naman kayang problema ng dalawang 'yun at tila aso't pusa na namang nagbabangayan? Lagi na na lang silang ganyan sa tuwing maghaharap ang mga ito na akala mo mga matatapang na nilalang. Lihim tuloy akong napangiwi ng