Lander POV. Mabilis na lumipas pa ang mga buwan. Isang taon na ngayon ngunit wala pa rin kaming malinaw na nakuhang resulta ng imbestigasyon. Wala na kaming napiga pa mula kay Brigitte dahil ipinasok ito sa mental health facility. Mayroon umano itong problema sa pag-iisip at hindi stable ang kondisyon. Walang nangyari sa kasong isinampa namin laban dito dahil naging depensa nito ang sakit sa pag-iisip. Wala ring nagpapatunay na pinatay umano nito ang asawa ko dahil wala namang bangkay na nakita. Wala rin na kahit sino ang tumayong witness kaya nabaliwala ang kasong isinampa namin laban dito. May mga medical report at maging doctor na tumingin kay Brigitte ang nagpapatunay sa kondisyon nito kaya wala kaming nagawa kun'di hayaan ito na manatili sa mental hospital kahit pa pareho kaming