Madam Amanda/ Martina POV. It's been two days since the last time na nakausap ko sina Lander at Xander. Hanggang ngayon kasi ay ayaw nilang sagutin ang kahit alin sa mga tawag ko. Kahit anong subok ko ay balewala ang lahat. Alam ko na pinagtataguan ako ng dalawa o kaya naman ay ini-ignora lang talaga ng kambal ang bawat tawag ko. Laging wala umano ang mga ito sa opisina at bahay tuwing tatawag ako. Dalawang araw na akong hindi makaalis ng bahay. Wala akong driver dahil pinaalis ito ng kambal tanging katulong lang ang meron sa bahay na ito na halos wala akong pakinabang. Ano nga naman mahihita ko sa mga ito kun'di ang utusan na magluto at naglinis. Inis na itinapon ko ang baso ng alak. "Hindi pwede, hindi pwedeng gawin nila ito sa akin! Pagsisisihan n'yo na ganito ang ginawa ninyong