Lander POV. Malungkot na umalis kami ni Xander sa bahay na tinutuluyan ni Julia. Hindi ko maipaliwanag ang emosyong nararamdaman ko ngayon dahil sa biglaang pagkikita namin ni Julia maging ng mga anak ko na ngayon ko lamang nalaman ang excistance nila sa mundong ito. Bilang asawa at ama alam ko ang pagkukulang ko sa kanila bilang Padre de familia. Malaki ang naging kasalanan namin ni Xander ng saktan namin si Julia pero mas malaki ang kasalanan namin dahil napabayaan namin sila. "Sa tingin mo may kinalaman si Mommy sa nangyari kay Julia?" tanong ni Xander na nasa tabi ko. "Positive, malakas ang kutob ko na may kinalaman siya at kasabwat siya ni Brigitte," tiim-bagang na sagot ko habang mahigpit ang kapit ko sa manibela ng sasakyang minamaneho ko. Wala akong tiwala kay Mommy matindi an