Chapter 37

1654 Words

Wala sa sarili na lumabas ako ng kusina at naabutan ko ang mga ito na tig-isang karga ang kambal. Nakatulog na si Shane sa labis na pag-iyak habang panay naman ang tanong ng madaldal na si Siegel kay Lander kung bakit ngayon lang daw sila umuwi at dalawa din ba silang tatay nila o kung tig-isa ba daw sila ni Shnae ng ama. Dahil hindi ko malaman kung tatayo o lalapit na ako sa mga ito. Pinagmasdan ko na lang sila mula sa kinatatayuan ko. Marahil napansin ni Lander ang presensya ko kaya lumingon ito sa akin. "Wife…" tawag nito sa akin. Hindi ako sumagot pero lumapit ako sa mga ito para tingnan ang nakatulog na si Shane na kalong pa rin ni Xander. "Ipapasok ko na s'ya sa kwarto nila," sabi ko na akmang kukunin ito pero agad tumayo si Xander habang buhat si Shane. Wala na akong nagawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD