Chapter 36

1461 Words

Julia POV. Nanginginig ang tuhod ko ng makaalis ang dalawa. Hindi ko magawang isarado ang pinto na nilabasan ng mga ito kaya nakita ng dalawang mga mata ko na sumakay sila ng sasakyan at tumingin sa direksyon ko bago tuluyang pinasibad hanggang sa mawala sa paningin ko. Nanghihina na napakapit ako sa gilid ng sofa. Ngayong nagtagpo ang mga landas namin ano na ang susunod? Ayoko naman na magulo pati ang mga anak ko pero hindi ko maitatanggi ang katotohanan lalo pa agad silang kinilala ng kambal sa unang pagkikita nila. Hindi ko alam kung anong nangyari basta nadatnan ko na lang silang yakap ni Xander at Lander sina Shane at Seigel. "Mama si daddy po?" tanong ni Siegel. "Ah umalis na sila," marahan na sabi ko dahil ayaw ko namang magsinungaling sa mga anak ko. Malakas na iyak ni Shane

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD