ON and off pa rin ang lagnat ni Natalya at may pagkakataon na nabablanko ang isip niya. Para siyang may Alzheimer. Nagbabaago rin ang mood niya, minsan iritable at mabilis siyang mapagod. Madalas ay wala siyang ganang kumain. Isang linggo na siyang ganoon matapos alisin ang anak niya sa kanyang sinampupunan. She’s not convinced that she was suffering from the flu. She knows it’s not just a common health condition. She felt something not normal in her body even in her mind. Nakakatayo na siya at nakakalakad pero mahinhin ang galaw niya. Nangayayat siya at namumutla. Isang beses lang siyang sinamahan ni Erron sa pagtulog dahil busy ito sa misyon nito pero kapag naroon naman ito ay todo asikaso ito sa kanya pero minsan ay wala siyang pakialam sa effort nito. Naninibago siya. Hindi naman s