NAHULI ng mga kasama ni Erron si Marcelo at naibalik sa kulungan na siguradong hindi na ito makakatakas. Base sa imbestigasyon nila, ginamitan ng hipnotismo si Natalya upang mapasunod ito sa tekta ng isip ng kalaban. Si Natalya ang kumuha sa susi at nagbukas sa pinto ng piitan. Sadly, Marcelo bit her wife and now Natalya was possible suffering in dark reincarnation. Hindi niya matanggap ang nangyari-hindi niya matanggap na wala na ang kanyang asawa. Buong araw siyang umiyak at wala sa huwisyo dahil sa hindi matanggap na sinapit ng kanyang asawa. Sa kasalukuyang nakahimlay ang katawan ni Natalya sa kabaong niya pero nakabukod ito at may bantay sa labas ng kuwarto. Alam nila na anumang sandali ay muling mabubuhay si Natalya ngunit isa na itong bampira. Tatlong araw ang lumipas na hindi pa