NATALYA never felt this kind of sensation in her entire life. Never naman kasi siyang nagkanobyo. Marami siyang manliligaw pero dedma lang. Puro pag-aaral ang inatupag niya. Pero siyempre, hindi siya ipinanganak kahapon para magpakainosente. Alam niya kung saan sila patungo ng lalaking ito at alam din niya na hindi niya ito kayang pigilan.
Sa kabila ng labis na pagkaliyo ay naiwang bukas ang kanyang isipan at nakakaya niyang diktahan ito. Humugot siya ng lakas at itinulak ang lalaki. Bakas sa mukha nito ang matinding frustration nang mapatigil ito sa ginagawa at nagkasya lamang na titigan siya.
“You can’t avoid me, Natalya,” anito sa matigas na tinig.
“It’s not right! I don’t even know you and sorry, I can’t do this,” hinahapong wika niya.
Nanlisik ang mga mata ng lalaki. “f**k!” he cursed. Dumestansiya ito sa kanya. “Ngayon lang ako muling uminit nang ganito. I wanted s*x… with you,” he said frankly.
Kinikilabutan siya. Subalit hindi niya maikakailang nakakadama siya ng pagnanasa. Ibang-iba ang nakikita niya rito kumpara kanina. Hindi niya madama ang pagiging halimaw nito.
“Y-you should go,” aniya sa paos na tinig.
Ngumisi ang lalaki habang sinusuyod ng tingin ang kabuoan niya. “You’re just afraid, Natalya. I know you want it too,” anito.
“Because you seduced me!”
“You let me seduce you, don’t you?”
Namilog ang mga mata niya. Pakiramdam niya’y may kung anong bumara sa lalamunan niya.
“I-I want my first time to be memorable. I want to give it to a guy I love,” sabi niya.
He chuckled. “Love? That thing is nonsense. Kalukuhan ang bagay na iyan.”
“Para sa ‘yo kasi hindi ka tao. Isa kang halimaw na walang puso!”
“Exactly. I’m heartless but it doesn’t mean I don’t have a heart. We have a heart but we didn’t use it. We can multiply without love, just f**k and we can spread our legacy.”
“I’m not interested. Umalis ka na,” pagtataboy niya rito.
Nag-taas-baba ang dibdib ng lalaki. “Fine. Honestly, I just found you interesting. Na-amaze ako nang hindi ka masindak sa akin. Your braveness as a woman caught my attention and your beauty was also an attention seeker.”
Napalunok siya. Nabawasan ang inis niya rito dahil sa positibong papuri nito. Marami ang nakapuna sa pisikal niyang katangian at humanga pero hindi siya nasabik katulad ng nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Feeling niya ay lumapad ang atay niya. Pero anong malay niya, baka binobola lang siya ng lalaking ito para sumama siya rito.
“Sorry but I won’t trust you,” prangkang sabi niya.
“I know. I know what you are thinking. Pero gusto kong maniwala ka na wala akong masamang intensiyon.” Malamig na ang boses nito.
“Then, what do you want?” matapang niyang tanong.
Matamang tumitig sa kanya ang binata. Hindi niya mahulaan ang iniisip nito. Dinampot nito ang hinubad nitong damit saka isinuot muli.
“Hindi ako usually nakikisalamuha sa mga tao katulad ng ibang kasama ko. I prefer to be alone and do my mission. Kapag kasi maraming nakakakilala sa akin, it will put me in risk,” sabi nito.
“Because you’re criminal,” giit niya.
“I won’t deny that. Naging kriminal ako-noon. Wala akong awang nilalang. Lahat ng tao ay pagkain para sa akin.”
“You’re still a criminal. Dapat ay matagal ka nang nakakulong!”
Mahayap ang tinging ipinukol sa kanya ng lalaki. Umunat ang kanang braso nito at inabot ng kamay nito ang baba niya. Inangat nito ang mukha niya at banayad na pinasadahan ng hinlalaki nito ang kanyang ibabang labi.
“Your lips seem to be cursed for me. I swear, we will kiss again,” he said in a husky voice.
Marahas na itinabing niya ang kamay nito. “Go away,” mahinahong pagtataboy niya rito.
Humakbang ito palapit sa binata. “Sinaktan mo ako emotionally. I don’t know what exactly called this. It hurts to be denied, you know? I’m f*****g aroused,” sabi nito.
Kinikilabutan siya pero nakokonsensiya rin. “You can love a woman and treat her good. Kapag may asawa ka, magagawa mo ang gusto mo sa babae without forcing her.”
“I felt love once but it hurts me.”
Tumawa siya ng pagak. “You mean, you use your heart according to its role.”
“It’s a wrong love. May mahal siyang iba. But you’re right; my heart is in the right condition.”
“You can love a woman again.”
Umiling si Erron. “I’m not interested. I just found out that love is a kind of weakness. It’s wasting time and effort.”
“Because you don’t know how to use it.”
“Huh! Whatever.” Tinalikuran siya nito.
“You may go now,” udyok niya rito.
“So, it’s gonna be the last time I saw you?” anito.
“Maybe. Pero maaring magkikita tayo muli ay sisiguruhin kong mahuhuli kita bilang kriminal. Mag-e-imbestiga pa rin ako.”
“Do what you want. Wala kang mapapala sa akin.”
“At titiyakin kong hindi na mauulit ang panloloob mo sa kuwarto ko. Maglalagay na ako ng bawang sa pinto at bintana.”
Tumawa ng pagak ang lalaki. “Salamat at binigyan mo ako ng babala. Hindi ko maipapangako na hindi kita lulusubin.”
“Hindi na tayo magkikita pagkatapos nito, Erron.”
“Huwag kang magsalita ng tapos. I can do what I want, Inspector.”
Hindi na niya ito kinibo. Dinampot niya ang kumot saka ipinulupot sa katawan niya. Pagkuwa’y binuksan niya ang pinto. Nagtataka siya bakit hindi pa rin kumikilos upang lumabas ang lalaki. Tinititigan lamang siya nito.
“Umalis ka na habang tulog pa ang mga tao,” udyok niya.
“Hindi ako dumadaan sa pinto.” Pagkuwan ay binuksan nito ang sliding window.
Kinabahan siya nang sumampa ito sa bintana at handang tatalon. Sandali lamang siya nito tiningnan saka ito tuluyang tumalon. Ganoon naman ang agarang paglapit niya sa bintana at dumungaw. Namataan na niya ang lalaki sa ibaba na hindi man lang napilayan. Nagawa pa siya nitong tingalain. Nasa second floor ng gusali ang unit nila.
Aywan niya bakit may kung anong kumikebot sa puso niya habang unti-unting lumilisan ang lalaki. Nakadama siya ng munting lungkot. Wala na sa paningin niya ang lalaki pero nakatitig pa rin siya sa kinatatayuan nito kanina.
INSTEAD of hunting humans for blood, Erron chose to hunt animals in the forest. He doesn’t have a choice. He promised to his leader not to kill innocent again. Pero hindi naging madali sa kanya ang pagsunod. Palihim siyang pumapatay ng tao. Bilang bampirang kabilang sa may maiitim na dugo, ang pagpapakatino ay isang malaking dagok.
Pumatay siya ng dalawang kambing bilang kanyang hapunan. Actually, it’s been two weeks since he doesn’t kill humans for his meal. His leader called him ‘black sheep’ in their organization.
He’s belongs to Sangre Organization, the group of vampires who are cooperating with humans task force to fight against bad vampires. Pinsan niya ang leader na si Dario Rivas pero pagdating sa sinumpaan nilang tungkulin, walang kamag-anak o kadugo. Mataas din ang respeto niya kay Dario. Bukod sa ito ang mas makapangyarihan sa kanila, ito rin ang mas malawak ang kaalaman hinggil sa mga tao.
Nang mabusog ay bumalik siya sa mansiyon nila sa Cagayan de Oro. Sa lugar na ito sila kasalukuyang nagkukota pero may kanya-kanya na silang business sa labas. Mayroon siyang resort sa Talisay Cebu at katuwang niya sa pagpapalalad nito ang nakatatanda niyang kapatid na si Serron.
Pagpasok niya sa mansiyon ay dumeretso siya sa third floor kung saan siya nagpapalipas ng magdamag. May nakalaang kuwarto roon para sa kanya. Sa tuwing gabi ay busy lahat ng mga miyembro. Busy ang mga ito sa kanya-kanyang misyon.
Papasok na siya sa kanyang kuwarto nang makarinig siya ng yabag na papalapit sa kanya. Naamoy niya ang presensiya nito.
“Ang tagal mong nawala. Huwag mo sabihing pumatay ka na naman ng tao,” boses ng kanyang kuya.
Pumihit siya paharap dito. Nakasuot ito ng itim na tuxedo, a usual attire he always wore, same with his. His brother was always there for him, to defend him in case he was in trouble. They are opposite it comes to manner. He’s a bad one.
“I’m not,” he said.
Humakbang palapit sa kanya si Serron at sinuyod siya ng tingin. Nilanghap nito ang amoy niya. Sa ginagawa nito ay malalaman nito kung nagsasabi siya ng totoo o hindi. Kalmado lang ito.
“Huwag kang gagawa ng bagay na ikasisira natin sa organisasyong ito, Erron. Marami na akong isinakripisyo para lang malinis ang pangalan mo,” anito.
“I’m doing my part, Serron. You don’t need to treat me like an idiot. Sinisikap kong maging matino dahil pangako ko iyon kay Dario,” sabi niya.
“Salamat kung ganun.” Nilagpasan siya nito. “May bago na namang biktimang tao at babae. Nawa’y wala kang kinalaman doon. Pinagdududahan ka ng ibang miyembro ng organisasyon,” patuloy nito saka tuluyan siyang iniwan.
Mariing nagtagis ang bagang niya. Palagi na lang sa kanya ang sisi sa tuwing may namamatay na inosenteng tao. Alam niyang hindi pa rin bumabalik ang buong tiwala sa kanya ni Dario matapos niya itong ipagkanulo sa kalaban at suwayin ang utos nito.
Nagkagusto lang naman siya sa babaeng tao na minahal ni Dario. Si Martina. Unang kita pa lamang niya sa babae ay nahalina siya sa ganda nito. Akala niya noong una ay pagnanasa lamang iyon, subalit nilamon siya ng inggit kay Dario, dahil may ordinaryong babae na nagmahal dito.
Pero kung hindi dahil kay Martina ay maaring matagal na siyang naging abo. Kamatayan ang ipinataw ni Dario na parusa sa kanya. Sa kabutihang palad, nakumbinsi ito ni Martina na huwag siyang patayin. Utang niya ang buhay niya kay Martina kaya nangako siya rito na hindi na siya gagawa ng ikagagalit ni Dario o kahit sumuway sa batas ng Sangre Organization.
Pumasok siya sa kanyang kuwarto ay binuksan ang kabaong na kayang tulugan. Umaga na kaya kailangan niyang matulog upang makapag-ipon ng lakas. Nang makahiga na siya ay biglang pnagharian ni Natalya ang isip niya.
“Ang babaeng iyon, hindi siya maalis sa isip ko,” bulong niya.
DALAWANG oras lang ang naitulog ni Natalya. Kahit hilong-hilo pa sa antok ay maaga siyang pumasok sa laboratory para asikasuhin ang specimen na naiwan niya kahapon. Naabutan niya si Harold na isinasalang na sa eksperimento ang specimen na nakuha sa bagong biktima ng halimaw.
“Good morning!” nakangiting bati ni Harold.
Nagsusuot siya ng puting laboratory gown. “Where’s the cadaver?” tanong niya rito, nag-aapura siya.
“Sisimulan pa lang ngayon ang paghiwa ng katawan upang isalang sa autopsy,” sagot naman nito. “Siya nga pala, ‘yong buhok na nakuha sa crime scene ay hindi iyon buhok ng biktima. Maaring buhok ng suspect,” anito.
Tumango siya. Expected na niya iyon. May isang dangkal ang haba ng buhok pero nakumpiram na buhok iyon ng lalaki.
Pagkuwan ay pumasok siya sa morgue at siya na lamang ang humiwa sa katawan ng babaeng bangkay na nakuha nila kagabi. Nagsuot siya ng surgical gloves at kinuha ang utensils na gagamitin. Ginilitan niya sa leeg ang bangkay pero wala nang mapigang dugo. Kumuha siya ng sample ng balat sa leeg kung saan ang bakat ng pangil.
Base on her research, some vampire bites may leave venom that may spread in the victim's body. The victim will reincarnate as a vampire. Pero sa kaso ng babaeng biktima, dugo lang ang sadya rito ng bampira at pinatay lang. Wala itong intensiyong gawing kauri nito ang biktima. Maaring may ibang paraang ginagawa ang mga ito.
Kumuha lang siya ng mahahalagang parte ng katawan at organs upang kanyang pag-aralan. Gusto niyang tutukan ang mga biktima ng halimaw. Ngayong alam niyang aktibo pa ang mga ito, hindi siya titigil hanggat hindi natutukoy ang mga pumapatay ng inosenteng tao.
May naiwang saliva stain sa sugat ng biktima ngunit hindi matapang ang venom nito. Pero upang makasigurong hindi magre-reincarnate ang bangkay ay pina-cremate nila ito at pumayag naman ang kaanak ng biktima.
Nagbigay rin siya ng babala sa mga ospital na nakatanggap ng pasyenteng hinihinalaang kinagat ng halimaw. She advised them to cremate the cadaver immediately to avoid the possible reincarnation. Some medical specialists didn’t believe her. Nagmukha pa siyang sira-ulo sa mga ito.
Pagsapit ng tanghali ay late na siyang nag-lunch. Sa canteen siya tumambay. Hindi siya nagbaon kaya bumili lamang siya ng lutong ulam.
“Late na ang lunch mo, ah,” ani Harold. Umupo ito sa katapat niyang silya.
“Tinapos ko pa kasi ang examination ng stomach content ng bangkay. Though malinaw na ang cause of death niya, gusto ko pa ring makahanap ng ibang proweba na mas madaling mag-identify sa halimaw na suspect,” aniya.
“Medyo maselan ang huling biktima ng halimaw. I didn’t believe it’s normal. Maybe you’re right. A vampire is real,” ani Harold.
Ito lang ata ang naniniwala sa kanya. “Nabalita na last year na totoo ang mga bampira. Nakompirma iyon ng mga pulis sa Cagayan de Oro,” aniya.
“I heard about that. Alam naman natin na some provinces especially in Mindanao ang Visayas are still believed in myths like aswang or whatever they called these. Akala ko noon ay gawa-gawa lang ang kuwento since marami nang ganoong kuwentong nagiging trend.”
“They are real, the vampire is real,” giit niya.
“If ever, it’s creepy,” amused na komento ni Harold.
Bumagal ang kanyang pagsubo nang dumapo sa balintataw niya ang imahe ni Erron. Dahil sa engkuwentro nila ng lalaking iyon ay tumatag ang paniniwala niya na aktibo ang mga bampira sa Cebu o kahit saang lugar sa bansa. Maaring dumami na ang mga ito.
Alas-sais na ng hapon nakalabas ng laboratory si Natalya. Inaantok na siya pero parang ayaw pa niyang matulog. Naglakad lang siya pauwi. Maaring hindi pa nakakauwi si Melody dahil sabi nito ay may special operation ang mga ito related din sa kaso ng mga halimaw. Gabi ang operasyon since gabi aktibo ang mga halimaw.
Papasok na siya sa iskinita nang maramdaman niya na tila may nakasunod sa kanya. Panay ang lingon niya sa kanyang likuran ngunit wala siyang makitang tao. Binilisan niya ang kanyang paghakbang.
Nang malapit na siya sa gusaling tinutuluyan niya ay biglang may malaking ibon na sumalakay sa kanya. Malaki ang ibon, halos liparin siya ng hanging nililikha ng palapad nitong pakpak. Wala pa naman siyang dalawang baril.
Yumuko siya nang muli siya nitong salakayin mula sa itaas. Hinintay niya itong bumalik at titiyakin niya na mahuhuli niya ito. Subalit pagbalik nito ay bigla itong lumapag sa lupa at naging lalaking nakasuot ng mahabang itim na kasuutan. Ang mukha nito ay maputla, mapula ang mga mata ay may mahahabang pangil. Bampira!
Kumislot siya nang sa isang iglap ay nasa likuran na niya ito. Akmang susuntukin niya ito ngunit naglaho ito sa likuran niya at bumaling sa kanyang harapan. Napaatras siya ngunit nahagip nito ang kanang braso niya. Hindi siya makagalaw.
Akmang sasakmalin siya nito sa leeg ngunit hindi nito natuloy nang may kung anong tumama sa ulo nito. Nabutas ang noo nito kung saan tumagos ang bala ng baril. Itinulak niya ang lalaki at kaagad itong bumagsak sa sahig at naging itim na abo.
Nabaling ang tingin niya sa lalaking nakatayo may isang dipa ang pagitan sa kanya. Hawak pa nito ang kalibre trenta y singko nitong baril na mayroong silencer sa dulo. Umuusok pa ang dulo ng baril. The guy was almost six inches taller than her. She’s five feet, five inches tall. He wore a black leather jacket and black faded jeans.
Ibinaba nito ang baril at isinuksok sa tagiliran nito. Habang tumatagal na nakatitig siya sa lalaki ay nagiging pamilyar sa kanya ang hilatsa ng mukha nito. Matalas itong tumingin, seryoso pero nag-uumapaw ang guwapong mukha.
“S-salamat,” tanging nabigkas niya.
“Take care next time. The enemy knows who’s their target,” makahulugang wika nito.
Hindi niya na-gets. May sasabihin pa sana siya ngunit biglang naglaho ang lalaki. Hindi man lang niya natanong ang pangalan.
Pagkuwan ay tumuloy siya sa paglalakad. Dagli siyang pumasok sa inuukupa nilang apartment. Siguresta siya. Pagpasok niya sa kusina ay kaagad siyang nagdikdik ng bawang at ikinalat sa mga bintana maging sa kuwarto ni Melody. Mahirap na, baka may bampira na namang mahimasok sa kuwarto niya.