GABI na nang magising si Erron. Narinig niya ang boses ng kanyang mga kasama. Malamang hinahanap na siya ng mga ito. Kaagad siyang naligo. Pagbaba niya sa ground floor ay naabutan niya roon sina Jegsyn Lee at Riegen Franco. Ang dalawang ito ang palaging magkasama. Si Jegs ay kasalukuyang nagpapakadalubhasa para maging diplomat in cardiology. Si Riegen naman ay isa nang civil engineer, katunayan ay ito ang gumawa ng resort niya.
Nag-uusap ang dalawa habang magkaharap na nakaupo sa couch at parehong may sinisimsim na blood juice. Malamang nakapuslit ang mga ito ng dugo o bumili ng dugo sa blood bank. Wala siyang tiyaga sa ganoong paraan para makainom ng dugo.
“You look fresh, huh?” puna sa kanya ni Jegs.
“Paano ba ‘yan, may bagong namang babaeng biktima kagabi,” ani Riegen na tila gustong idiin sa kanya ang kaso.
Bumuntong-hininga siya saka huminto sa likuran ni Riegen. Isinampa niya ang kanyang mga kamay sa mga balikat nito at banayad na pinisil.
“I can’t blame you to accuse me, Rieg. But honestly, I didn’t kill humans since I promised to Dario,” depensa niya.
“Good to hear that,” si Jegs.
“Pero lalong umiinit sa batas ng tao ang mga bampira,” sabi naman ni Riegen.
Biglang tumahimik nang mamataan nila si Dario na pababa ng hagdan. Hindi niya naramdaman ang presensiya nito. Naroon pala ito sa mansiyon. Simula noong mag-asawa ito ay bihira na ito tumatambay sa mansiyon.
“Kailangan nating matukoy kung anong grupo ng mga bampira ang pumapatay ng mga inosenteng tao. Nasaan ang iba? May meeting tayo,” sabi ni Dario.
“They were out of the country,” sagot naman ni Jegs.
“Where’s Trivor and Leandro?” tanong ni Dario.
Si Riegen ang sumagot. “Nasa Cebu si Trivor. Si Leandro naman ay nasa Spain.”
“What about Marco? Hindi pa ba niya sinabi kung kailan siya makikiisa sa atin?” usisa ni Dario.
“May sariling misyon ang isang iyon, pero sinabi niya na next month ay pupunta siya rito kasama ni Leandro,” ani Jegs.
Nanatiling tahimik si Erron lalo na nang maramdaman niya ang init ng tingin sa kanya ni Dario. Nagbago na ang pakikitungo sa kanya ni Dario simula noong pinagtaksilan niya ito. Though they are talking like nothing happened in the past, he knows he didn’t trust him like how he trusted him before.
Wala siyang kibo nang sumampa ang mabigat nitong kamay sa kanang balikat niya. “Let’s talk privately,” bulong nito sa kanya saka ito lumisan.
Kaagad naman niya itong sinundan. Huminto si Dario sa veranda ng study. Nakaharap sila sa backyard garden. Nakatayo si Dario habang nakatanaw sa labas. Huminto siya sa gawing kaliwa nito may isang dipa ang pagitan.
“How’s your mission?” tanong nito.
“I’m just started,” he urgently replied.
Ang misyon na sinasabi nito ay para lamang sa kanya. Ang alamin kung saan nagkukota ang mahigpit nilang kalaban na si Dr. Dreel, na siyang ama ni Dario at kanyang tiyuhin.
Nakatatandang kapatid ng kanyang ina si Dr. Dreel sa mother side. Ang kanyang lola sa mother side ay isang Filipina na nag-migrate sa Russia at tanging biktima ng dark reincarnation. Ang kanyang lolo sa mother side ang bampirang may maitim na dugo, mga tusong lahi ng mga bampira. Kilala silang mga sakim at kriminal.
“Posibleng tauhan ni Dr. Dreel ang pumapatay ng mga inosenteng tao. It’s their way to caught humans’ attention and to drag us to them. Ang alam ni Dr. Dreel, napatay na kita kaya kapag nagpakita ka sa kanya, hihimukin ka niya na umanib sa kanila,” ani Dario.
“Pero nakita ako ng ilan sa tauhan niya nang sundan ko sila. Niligaw nila ako upang hindi ko matunton ang kota nila,” aniya.
“Nananahimik siya, alam kong may niluluto siyang mapanganib na plano. Ikaw ang napili kong maghanap sa kanya dahil mas marami kang alam tungkol sa kanya. As a traitor, I know you can act like a traitor again,” anito sa sarkastikong tinig. Hinarap siya nito.
Napilitan siyang humarap dito. Mabigat ang pakiramdam niya sa huling sinabi nito, at the same time, he was insulted. His sharp smile shows how he cursed him as if he was his enemy. Nilapitan siya nito at tinapik ang kanyang kanang balikat.
“Don’t worry; I didn’t treat you like an enemy. You’re still my cousin and I have to trust you. Alam ko namang nagbago ka na at nadala. Pero hanggat wala kang kinababaliwang ibang babae, hindi ako maniniwala na wala ka nang paghanga sa asawa ko,” pilyong sabi nito.
Ngumisi siya. “I have my own way to heal the wound in my heart, Dario. Utang ko kay Martina ang buhay ko kaya hindi ko hahayaang magkaproblema siya nang dahil sa akin. Ang pangako ay pangako,” matatag niyang wika.
Tumawa ng pagak si Dario. “Sorry if I acted so possessive. I just love my wife and she’s mine, the only mine,” may diing sabi nito.
Hindi na siya apektado sa sinasabi nito. Alam naman niya iyon at hindi niya lalabanan si Dario kahit may alam siya kung paano ito matatalo. Utang pa rin niya ang buhay niya rito, sa ilang beses nitong pagliligtas sa kanya sa kamay ng mga naunang kaaway nila. Gago lang talaga siya minsan. Nasa dugo na rin ata niya ang pagiging traidor.
“I won’t stop saying sorry until you would finally forgive me, Dario,” aniya.
Malapad na ngumiti si Dario. “Oh, don’t bother. Napatawad na kita. Ang gusto ko lang, magpatuloy ka sa pagbabago,” sabi nito.
Ngumiti siya, isang ngiti na bihira mamutawi sa kanyang mga labi. “Thank you,” aniya.
“No worries. Just do your mission and please, I need good news.” Tinalikuran na siya nito.
Hinatid lamang niya ito ng tingin.
Kahit hindi sila kompleto ay nagpulong pa rin sila. Tinalakay ni Dario ang tungkol sa sunud-sunod na kaso ng pagpatay. Positibo na mga bampira ang pumapatay. Kahit ilang beses nang napatunayan ng mga pulis na totoo ang mga bampira, marami pa rin ang hindi naniniwala.
Nakasagap ng balita si Jegs na nakabalik na ng pilipinas si Dr. Dreel matapos makaligtas sa kamatayan. Masamang damo talaga, matagal mamatay. Kahit immortal ang mga bampira, mayroon silang mga paraan kung paano kitilin ang buhay ng kapwa nila, bagay na hindi alam ng mga tao. Makapangyarihang bampira si Dr. Dreel kaya alam niya’ng hindi ito basta magagapi kahit ni Dario.
Dario cooperates with some private task force agency to join the mission. Si Dario pa lamang ang kilala ng batas na isang bampira since ito ang unang nakilala ng mga tao dahil kay Martina. Silang mga miyembro ng sangre organization ay hindi masyadong napapansin lalo na siya. Mailap sa mga tao si Erron.
His identity was not known in public too, unlike the other members. They are working with humans from different industries. Si Trivor ay nagtatrabaho bilang abogado at the prosecutor. Mga tao ang tinutulungan nito. Ang iba namang kasama nila ay nakikipagsalamuha na rin sa mga tao.
Siya naman ay naka-focus lang sa kanyang resort business niya since business administration graduate siya. Ang kuya niyang si Serron ay nakikisalamuha na rin sa mga tao since he was working on social welfare. He cares for those orphan children and serves them as a good man. Serron was passionate about culinary too. He studied culinary arts. Actually, he’s one of his chefs in his restaurant.
Ang dalawang kabute nilang miyembro na sina Marco at Leandro ay may kanya-kanya ring pinagkakaabalahan. Palaging nasa ibang bansa ang mga ito at ginagampanan ang mga trabaho.
Pagkatapos ng meeting ay dumeretso siya sa Talisay Cebu. Binisita niya ang kanyang resort. Masuwerte siya sa business. Since nag-open ang resort niya ay dinadagsa na ito ng bisita. Beach front ang kanyang resort at mayroong one-hundred twenty-six hotel suit. Mayroon siyang mga tauhan na pinagkakatiwalaang mamahala kahit wala siya.
Papasok na siya sa kanyang opisina nang biglang sumulpot sa kanyang harapan si Trivor, ang matalik niyang kaibigan pero madalas ding kaaway. Magkasalungat sila ng prinsipyo pero sa haba ng pinagsamahan nila ay hindi sila basta napaghihiwalay ng anumang sigalot.
Alam na niya ang ibig sabihin ng masamang titig nito sa kanya. As usual, he’s always wearing his black leather jacket na hanggang tuhod ang laylayan. His aura was dark as his blood. He’s one of the genius vampires in their generation, the dangerous one.
Tumuloy siya sa kanyang opisina habang nakabuntot ito sa kanya. Pabalya nitong isinara ang pinto at inunahan siya sa paglapit sa kanyang office table. Hinarang siya ng malaking katawan nito.
“What?” matigas niyang tanong at sinagupa ang mahayap nitong titig.
“You made a mistake, asshole!” asik nito.
Bumuga siya ng hangin. “What is it?” balewalang tanong niya.
“Ano ang ginawa mo sa crime scene ng babaeng nurse na biktima? May nakakita sa ‘yo. Don’t you know? You’re one of the suspects!” anito.
Si Natalya ang unang naisip niya. Malamang hindi tumigil ang babae na masinop ang kaso ng nurse na babaeng napatay ng bampira.
“I’m not a killer,” depensa niya.
“The who?” gigil na usig ni Trivor.
Mata sa matang nagsukatan sila ng tingin. “I admit natukso akong pumatay ng tao dahil ilang araw na akong hindi nakakatikim ng sariwang dugo. Pero naunahan ako ng bampirang iyon,” pagtatapat niya.
“Sinong bampira?” usisa nito.
“I didn’t recognize him. Mabilis siyang nakatakas. Pero may kutob ako na hindi siya tauhan ni Dr. Dreel. Pakay lang talaga niyang sumipsip ng dugo. Ang mga tauhan ni Dr. Dreel ay buong katawan ng tao ang kinukuha dahil katawan sa katawan ang ginagawa nilang blood transmission. They need human blood for their possible experiments. I’m currently searching for their exact location,” paliwanag niya.
Kumalma si Trivor. Doon lamang siya umupo sa kanyang swivel chair. Humarap naman sa kanya si Trivor.
“Ayusin mo ang sarili mo, Erron. Nalaman ko na may babaeng in-charge sa crime scene na nakakilala sa ‘yo. She’s also an expert it comes to forensic science,” sabi nito.
“Si Natalya?” aniya.
Natigilan si Trivor. “You know her?”
“Yeah of course. I was trying to hide from her but I don’t know why I found myself following her. Una; gusto ko siyang patayin nang matigil siya, pero hindi ko nagawa.”
Tumawa nang pagak si Trivor. Usually, he doesn’t laugh like this. Siguro ay nababasa nito ang naiisip niya.
“You like her, don’t you?” pagkuwan ay tukso nito sa kanya.
Tumawa siya. “That was a stupid question, Triv. You know how I treat a woman. They are just food for me.”
“f**k your ass! Alam kong hindi ka hangal, Erron! Ikaw lang ang nagpapasama sa imahe mo. Na-in love ka nga kay Martina, alam kong matutukso ka rin sa iba,” giit nito.
“Yes, you’re right but Martina is enough.”
“I won’t believe you. Ngayon pa kaya na nangako ka kay Dario at Martina na hindi ka na mananakit at papatay ng babae. This time, matutuklasan mo na kung ano ang kahalagahan ng isang babae. They are not just a food, Erron. They-”
“They are f**k-buddy,” he cut him off. “Ugh!” daing niya nang tila kinukuyumos ang puso niya. “Stop!” utos niya kay Trivor, na alam niyang ginagamitan ng kapangyarihan ang puso niya.
Trivor has ability to produces pain in any organs of other creature. Using his mind, he can easily kill his enemy but it’s limited. Tinantanan naman siya nito. Gusto niya itong gantian pero naisip niya na mapapasama lamang siya rito. Kaya rin niyang gamitan ito ng hipnotismo pagkatapos saka niya ito sasaktan. Magagawa rin niyang kontrolin ang function ng utak nito kung gugustuhin niya.
“Stop being an asshole, Erron. Stop killing and stop seducing women! Also stop following Natalya, if you want to hide your real identity. She’s dangerous,” sabi nito saka siya iniwan.
May ilang minuto siyang nakatitig sa pintong nilabasan ni Trivor. Sa mga sandaling iyon ay walang ibang laman ang isip niya kundi si Natalya. Curious tuloy siya at the same time, excited.
Pinirmahan lamang niya ang mga papeles sa ibabaw ng mesa saka siya muling lumabas. Humihilab na ang sikmura niya. Natatakam na naman siya sa dugo ng tao gayung nangangamoy ang mga ito. Naliligiran siya ng mga tao. Ang babango ng dugo ng mga ito. Nanunuyot na ang lalamunan niya.
Umalis siya ng resort at gumala. Natutukso siyang pumatay sa tuwing nakakakita siya ng tao. Hindi pa rin sapat ang dugo ng hayop. Mabilis siyang magutom. Nahihirapan pa rin siya. Mahaba na ang nalakbay niya at hindi niya namalayan ang lugar. Nagulat na lang siya nang matagpuan ang kanyang sarili sa tapat ng dalawang palapag na apartment na tinutuluyan ni Natalya. Hindi niya maintindihan bakit doon siya dinala ng mga paa niya.
Madilim ang kuwarto ng dalaga, pero alas-nuwebe pa lamang ng gabi. Imposibleng tulog na ito. Nang maramdaman niya’ng may paparating ay talimang kumubli siya sa likod ng punong kahoy. Pinagnilayan niya ang paligid.
Mamaya’y namataan na niya si Natalya na may kasamang lalaki. Nakasuot pa ng itim na uniporme ang babae. Maong na pantalon lamang ang suot nito pan-ibaba. At itim na rubber shoes ang sapin nito sa mga paa. Ang lalaking kasama naman nito ay bughaw na polo-shirt lamang ang suot at itim na maong pants at puting rubber shoes ang suot sa paa. May nararamdaman siyang kakaibang enerhiya mula sa lalaki. Isang mapusok na enerhiya. Huminto ang mga ito sa tapat ng tarangkahan ng apartment.
Naririnig niya ang pinong hagikgik ng babae. Mukhang hindi naman tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi naman basta-basta ang lalaking kasama ni Natalya. Guwapo rin ito, matangkad at matipuno ang pangangatawan.
“Pumasok ka na nga baka abutin pa tayo ng umaga rito,” wika ng lalaki.
“Oo nga at gabing-gabi na. Naantala pa kita sa pag-uwi mo. Salamat sa dinner at talagang hinatid mo pa ako rito,” ani Natalya.
“No worries. Sa ganda mong iyan, hindi ka dapat umuuwi mag-isa.”
“Naku, baka maniwala ako. Sige na nga. Bye. Ingat ka.”
“Okay.”
Umalis na ang lalaki pero si Natalya ay hindi pa rin pumapasok sa gate. Nakatingin pa rin ito sa papaalis na lalaki. Mamaya ay may tumunog mula sa bag nito, cellphone nito marahil. Talimang dinukot nito sa bag ang cellphone at dagling sinagot.
“Hello, Ma?” anito sa kausap.
She’s talking to her mother. Nakangiti ang dalawa habang sabik sa kausap. Kung paano’y bigla niyang naalala ang kanyang ina. More than three hundred years ago when his mother passed away. He was not with her that time because he’s fighting for his father’s legacy−to fight against their enemies.
Noong panahong iyon, sila ang masama dahil pilit sinasakop ng angkan nila ang teretoryo ng maharlikang bampira na mahihina sa pakikipaglaban. Pero dahil sa patung-patong na kasalanan ng kanyang ama sa batas ng kanilang angkan ay nahatulan ito ng kamatayan. Sa kanyang harapan ay naging abo ang kanyang ama.
Nagpatuloy siyang lumaban ngunit nahulog siya sa kamay ng mga maharlikang bampira na siyang angkan ni Dario. Gayunpaman ay kinilala siya ni Dario na parte pa rin ng pamilya dahil nananalaytay sa dugo niya ang dugong maharlika. Hinimok siya ni Dario na magbalik-loob sa kanyang ina ngunit huli na, nagpakamatay ang kanyang ina dahil hindi na kinaya ang depresyon.
Ang kapatid niyang si Serron ay nasa panig na ni Dario bago pa mamatay ang kanilang ina. Siya ang sinisisi nito bakit nawala ang kanilang ina. Pero sadyang mababa ang loob ni Serron, may malasakit pa rin ito sa kanya kahit alam nito kung gaano siya kasama katulad ng kanyang ama.
“I love you too, Ma. Huwag na po kayong mag-aalala, sinisimulan ko na po ang paghahanap kay papa.”
Bumalik sa realidad ang isip ni Erron nang marinig ang boses ni Natalya. Naibaba na nito ang cellphone nito. Hindi namamalayan na lumalabas na siya sa kanyang pinagkukublian. Hindi na niya nagawang magtago nang mahagip siya ng paningin ni Natalya. Obvious na nagulat ang dalaga. Masama ang tinging ipinukol nito sa kanya.
Habang nakatuon ang mga mata niya rito ay hindi niya maiwasang isipin ang sandaling nasilayan niya ang magandang katawan nito na hindi lamang niya nakita kundi nadama at nalasahan. Dismayado pa rin siya dahil sa pambibitin nito sa kanya.
He knows it was just lust. She’s beautiful, hot and brave. Ang mga katangiang iyon ang gusto niya sa babae. Kung mahina ito, baka kinain na niya ito pero iba ang impact sa kanya ng tapang na ipinamalas nito. Dahil doon ay heto siya’t hirap itong kalimutan.
Kumilos ito upang iwasan siya. Papasok na sana ito sa gate pero hindi niya ito pinayagan.
“Stop there, Natalya! You can’t avoid me or else, I will teleport inside your room!” hamon niya rito.
Marahas na humarap sa kanya ang dalaga. “Like I told you, you can’t inter my room again! Nagkalat ang bawang sa bintana!” sabi nito.
Napangisi siya sa sinabi nito. “How did you know that garlic is one of our weaknesses?” tanong niya.
“N-napanood ko sa movie. Ah, basta, hanggang diyan ka lang! May baon akong bawang!”
Lalo siyang natuwa sa babaeng ito. “You’re cute, darling. Sorry, naiiwasan ko ang bawang pero hindi ikaw,” pilyong sabi niya na nagpatulala sa dalaga.
He likes her reaction. He found her cute.