HINDI inaasahan ni Natalya ang pagsikdo ng puso niya nang makita niyang muli si Erron. Kanina paggising niya ay iginigiit niya sa sarili na parte lamang ng panaginip niya ang lalaki, pero ito na naman ito. Kanina ay napag-alaman niya na ang hibla ng buhok na nalakap nila sa crime scene kagabi ay hindi isang-daang pursiyento na buhok ng tao. Unidentified pa ang DNA niyon. Hindi rin iyon tumutukoy sa hayop.
Kahit anong paliwanag niya sa kanyang mga kasama ay ayaw maniwala ng mga ito na totoo ang bampira. Wala na siyang magagawa roon. Si Erron ang magpapatunay sa kanya na totoong naglipana ang mga bampira sa lugar nila o maaring saan mang panig ng bansa.
Habang papalapit sa kanya si Erron ay lalong tumutulin ang t***k ng kanyang puso. Natitiyak naman niya na hindi siya kinakabahan o natatakot. Erron looks calm and undeniable handsome. Iyon ang hindi niya maitatanggi sa katangian ng binata. Kaya walang maniniwala na isa itong bampira, maliban sa kanya.
Magkasunod siyang bumuntong-hininga nang huminto may isang dipa ang pagitan sa kanya ng lalaki. Ang mga kamay nito’y nakapamulsa sa suot nitong itim na jeans. Itim na t-shirt ang nakapaloob sa itim nitong coat. He probably looks like a businessman, very formal. Nakahabi palikod ang lahat ng hibla ng buhok nito, na lalong nagpalitaw sa maganda nitong mukha. Maaring ginagamit nito ang pisikal na katangian upang makalinlang ng babaeng mabibiktima nito.
She can’t help but keep on accusing him of a crime. Malakas ang kutob niya na isa rin itong kriminal. Hindi siya naniniwala na may bampirang mababait sa mga tao.
“You look exhausted but your beauty remains attractive,” he said in a husky voice.
Hindi siya nagpaaepekto sa sinabi nito kahit tunog papuri. “Thanks but I don’t have time to entertain you. I have a lot of works to finish,” kaswal na turan niya.
“Are you still working at home?” nakataas ang isang kilay na tanong nito.
“Yes.” Sinuyod niya ng tingin ang kabuoan nito matapos din nitong pasadahan ng malagkit na tingin ang kabuoan niya. “Would you stop stalking with me?” napipikong sabi niya rito.
Ngumisi ito. “I’m not stalking,” kaila nito. “I’m just searching for a friend until I found myself here. I don’t have the intention to bother you,” katwiran nito.
“But what are you doing now? Inaabala mo ako,” aniya.
He quickly bit his lower lip. She can’t pretend to be distracted. He looks seductive while biting his kissable lips. Sadyang nakakaakit ang hilatsa ng mukha nito, especially when he talks and moves, really manly.
“Hindi ba dapat matuwa ka dahil ako mismo ang lumalapit sa ‘yo? If ever na mapatunayan mong kriminal ako, hindi ka na mahihirapang hulihin ako,” sarkastikong sabi nito.
Bumuga siya ng hangin. “Huh! Hindi bale, I have my own way to arrest easily a criminal. Kung talagang wala kang pakay na kung ano sa akin, itigil mo nang pagpaparamdam or pagpapakita.”
“Why? Do I distract you?”
Mariing kumunot ang noo niya. “Mayabang ka rin, eh. Mr. Harley, you know how busy I am. I don’t have time to talk to you.”
“Fine. I have to go,” anito saka siya tinalikuran.
“Wait!” awat niya rito nang maalala na may nais siyang itanong dito.
Hindi siya nito hinarap. “Ask me for a dinner and we will discuss your concern. I have to go. Goodnight, Natalya. Have a nice dream,” sabi nito at bigla na lamang itong naglaho.
Naiwan siyang tulala at nakaawang ang bibig. Itatanong sana niya rito kung lahat ba ng bampira ay kayang mag-reincarnate ng tao into a vampire. That was a stupid question but she’s comfortable to ask this to a real vampire−out of curiosity.
Pumasok na lamang siya sa apartment.
ISANG linggo pa ang lumipas. Nagpasya si Natalya na ilipat ang oras ng trabaho niya sa gabi. Mas madalas kasi nangyayari ang krimen sa gabi at layon niyang maka-engkuwentro sila ng tinagurian nilang mysterious killer.
Hindi niya inaasahan na meron na palang agent ang NBI na may hawak sa kaso ng mysterious killer. Ayaw niya ng kanya-kanyang operasyon kaya napilitan siyang makiisa sa panig ng NBI agents. At nawindang siya kung sino ang bukam-bibig ni Col. Madred ng NBI na si Prosecutor Davis.
“Hi, Ins. Alveda! I’m Atty. Trivor Davis,” pakilala sa kanya ni Atty. Davis.
Tumitig siya saglit sa nakalahad nitong kanang kamay sa kanya. Pagkuwan ay napako ang paningin niya sa guwapo at seryoso nitong mukha. His aura was dominating, dark but strong and trustworthy. Ang nakakawindang pa nito ay namukhaan niya ito. Hindi siya maaring magkamali. Ito ang lalaking tumulong sa kanya noong sinalakay siya ng lalaking halimaw.
Nang mahimasmasan ay dinaop niya ang kamay nito. “Nice to meet you, Atty. Davis!” nakangiting tugon niya.
“I heard you’re active in investigating the mysterious killing,” anito nang bitawan nito ang kamay niya.
“Yes. Actually, I have a lot of evidence that may identify the criminals,” sabi niya. “My team working for it,” dagdag niya.
“That’s good.”
Napakaseryso nito. Hindi man lang ngumingiti. Pero sa simula pa lang ay magaan na ang loob niya rito. Sinimulan na kaagad nila ang transaction para sa join forces at nang mas mapadali ang pagtukoy sa mga kriminal.
Sumama sa kanya si Atty. Davis sa laboratory at pinakita niya ang result ng DNA test. Ni-review nito iyon.
“Hindi namin ma-adentify ang DNA ng nakuha naming hair sample mula sa biktima. It does not confirm as human hair or an animal. Its unidentified species,” paliwanag niya.
Tumango ang lalaki. “Ako ang bahala. I can find ways to determine the criminal's DNA,” sabi nito. “I need the copy of DNA result,” anito.
“Okay.” Ipinasan niya kay Harold ang result ng DNA upang ito ang mag-photocopy.
Ipinakita rin niya kay Atty. Davis ang naka-preserve na specimen na isasalang pa lamang sa examination.
“May nakuha din kaming blood stain mula sa kuko ng biktima, at lumabas sa result na hindi iyon dugo ng biktima. Wala ring exact DNA na magsasabing dugo ng hayop o tao,” paliwanag niya.
Nalanghap niya ang matapang na kimikal na inilabas ni Atty. Davis mula sa dala nitong maliit na bote. Hindi niya nagustuhan ang amoy lalo pa’t kahapon pa siya nakadama ng sentomas ng sipon. Dagling dinukot niya ang antigo niyang panyo sa kanyang bulsa saka itinakip sa bibig niya sabay bahin. Ang panyong iyon ang itinali ng lalaking nagligtas sa kanya noon mula sa kamay ng halimaw na lalaki.
Iniladlad niya ang panyo saka dahan-dahang itinupi ulit. Natigilan siya nang mapansing titig na titig sa panyong hawak niya si Atty. Davis. Natitigilan din ito sa ginagawa nito.
“Ahm, m-may problema po ba?” pagkuwa’y tanong niya rito.
“Nothing,” sabi lamang nito saka nito ipinagpatuloy ang ginagawa.
Kumuha ito ng kaunting sample ng blood stains saka pinatakan ng dala nitong kimikal. Obvious na may alam din sa trabaho niya ang lalaki. Hiniram din nito ang microscope at sinilip ang specimen.
“You’re right, the blood stain was not from human or animal,” sabi nito.
Namangha siya. “Do you have an idea where the blood from?” tanong niya.
“Let’s find out what is it,” sabi lang nito saka iniwan ang specimen.
Pagkatapos ay nagkaroon sila ng maikling pagpupulong hinggil sa kasong pareho nilang tinututukan. Pagkatapos ay nagyaya naman si Harold na magmeryenda. Matagal na rin palang kilala ni Harold si Atty. Davis. Kasama rin nila ang guwapong abogado. Nasabik siya nang ito ang pumili ng venue nila.
Dinala sila nito sa beach resort ‘di kalayuan sa bayan. Kaibigan daw kasi nito ang may-ari ng naturang resort. Doon na lamang daw nila tuloy pag-uusapan ang tungkol sa kaso. Pumasok sila sa eleganteng restaurant ng naturang hotel. Dahil sa excitement kanina ay hindi niya nabasa ang pangalan ng resort na sa entrada pa lamang ay mababasa.
Kaagad silang nag-order ng pagkain. Napansin niya, silang dalawa lang ni Harold ang kumakain at si Atty. Davis ay abala sa pagbabasa ng mga papeles. Si Harold lang naman ang madalas nitong kinakausap. Limang segundo lang ata ang pinakamatagal na pagtitig nito sa kanya. Pero nang minsang matitigan niya ang mga mata nito ay nawindang siya nang makakita ulit siya ng light brown na eyeballs, almost reddish. May kung anong damdaming naungkat sa dibdib niya habang tinititigan ang lalaki. Noon lamang niya naisip na pamilyar ang bulto nito at mukha, maliban sa minsang nakita niya ito noong isang gabi. Para bang hindi lamang iyon ang pagkakataong nakita niya ito.
Habang abala sa pag-uusap ang dalawang lalaki ay nagpaalam siya sa mga ito na magbabanyo. Tahimik ang hotel at wala siyang nakikitang tao upang mapagtanungan kung nasaan ang palikuran. May nakita siyang karatula ng palikuran pero nang tumbukin naman niya ang itinuturo nitong pasilyo ay nagtaka siya bakit madilim.
Tinunton naman niya ang pasilyong mas maliwanag na hindi niya alam kung saan patungo. Kakaiba ang hotal na iyon, napakatahimik, palibhasa gabi na. Nasa kalagitnaan na siya ng pasilyo nang may makita siyang pinto na nag-iisa, ngunit hindi naman mukhang palikuran. Pabalik na sana siya nang marinig niyang bumukas ang pinto. Kumislot siya nang pabalya iyong nagsara.
Awtomatiko’y humarap siya sa pinto ngunit animo natuklaw siya ng ahas nang mamataan niya ang pamilyar na lalaking nakatayo sa tapat ng pinto. Nakasuot ito ng puting tuxedo at mukhang bagong ligo. Nasamyo niya ang matapang na pabangong ginamit nito. Kumurap-kurap siya baka ika niya’y nagmamalik-mata lang siya. Pero hindi, she really seeing the same guy, it was Erron.
“E-Erron?!” bulalas niya.
“Natalya…” bigkas nito na hindi nagpapahiwatig ng pagkagulat. Matiim ang titig nito sa kanya.
“A-anong ginagawa mo rito?” wala sa loob na tanong niya.
“Ikaw ang dapat kong tanungin niyan,” anito.
Nahimasmasan siya. “Ah, well, resort ito at kahit sino puwedeng mapadpad dito,” aniya.
“You’re right, pero hindi sa bahaging ito ng resort. Hindi lahat ay puwedeng mapadpad sa restricted area na ito.”
“Restricted area? E bakit ikaw nandito? Isa pa, wala akong nabasang restricted area na karatula.”
“It’s my place.”
“Ano? Lugar mo?”
“Pag-aari ko ang resort na ito.”
Nawindang siya. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang tinutukoy ni Atty. Davis na kaibigan?
“Wait, meaning kilala mo si Atty. Davis?”
Hindi umimik si Erron, bagkus ay nagpatiuna ito sa paglalakad palabas sa lugar na iyon. Nakabuntot lamang siya rito.
“Naghahanap ako ng palikuran kaya ako napadpad dito,” aniya.
“Dinaanan mo na,” tipid nitong sabi habang malalaki ang hakbang.
“Wala akong nakita. Dapat linawin ninyo ang signboards para hindi naliligaw ang guess inyo. At saka, bakit ang dilim sa area na ito?” palatak niya.
“As I told you, this area wasn’t for guests. It’s private. May comfort room sa restaurant malapit sa exit,” sabi nito.
“Hindi ko napansin. Wala namang staff na puwedeng mag-assist sa akin,” aniya.
“I apologize for that. Sumunod ka sa akin,” anito.
Sumunod naman siya. Dinala siya nito sa madilim na pasilyo kaninang dinaanan niya. May kinapa lamang ito sa dingding at biglang lumiwanag. Nakita rin niya sa wakas ang maraming pinto.
“Salamat.” Pagkuwa’y nagmadali na siyang pumasok sa nakahilirang palikuran. Kanina pa kasi nagwawala ang pantog niya.
Paglabas niya ng palikuran ay wala na ang lalaki. Pabalik na sana siya sa dining nang mapansin niya si Erron na kausap si Atty. Davis sa pasilyong pinanggalingan niya kanina. Siya pa ang nagulat nang mapatingin sa kanya ang dalawang lalaki. Kinilabutan siya sa paraan ng pagtitig sa kanya ni Atty. Davis. Masyado itong matalim tumingin, nakakatakot.
Mamaya’y humahakbang na ito patungo sa kanya. “Mauna na kayo sa istasyon, susunod na lang ako,” anito nang makalapit sa kanya.
Tumango lamang siya. Sandaling pinasadahan niya ng tingin si Erron bago tuluyang umalis.
HINDI mapakali si Natalya habang nililisan nila ni Harold ang resort lulan ng kotse nito. Kanina pa niya iniisip ang tungkol kay Erron at Atty. Davis. Kung magkaibigan ang dalawa, imposibleng hindi alam ni Atty. Davis na isang halimaw ang kaibigan nito.
“Ang ganda ng Harley’s resort, ‘di ba? First-time kong nakapasok doon. Medyo expensive raw ang facilities, kasing expensive ng foods,” sabi ni Harold hinggil sa resort na pinanggalingan nila.
Tumatak sa isip niya ang pangalan ng resort. Apelyido pa pala ni Erron ang pangalan ng resort, it sounds classy.
“You’re right,” komento lamang niya.
Sandaling katahimikan. Umiikot lang ang isip niya kay Erron at Atty. Davis. Malakas ang kutob niya na may alam din sa mga bampira si Trivor. Malamang ay alam din nitong bampira si Erron.
“Are you okay, Natalya?” pukaw sa kanya ni Harold.
Kumislot siya saka ito sinipat. “Yes. Medyo inaantok lang ako,” alibi niya.
“Hindi ka pa kasi sanay sa night duty,” nakangiting sabi nito.
“Oo nga.”
“Honestly, boring ang duty sa gabi pero masasanay ka rin. Ako kasi ay sanay na. Mas aktibo kasi ako sa gabi.”
“Bampira ka ba?” biro niya.
Tumawa si Harold. “Sira, hindi totoo ang bampira.”
Hindi na siya nagkomento. Pagbalik nila sa laboratory ay binalikan kaagad niya ang nabinbin niyang trabaho.
Sa mga sumunod pang gabi na nakasama ni Natalya sa trabaho si Atty. Davis ay palihim niya itong kinikilatis. Ngunit may mga pagkakataon na nagugulo ang isip niya at minsa’y nakakalimutan niya ang naiisip niya lalo na kapag nakipagtitigan siya sa lalaki. Masyado na siyang nahihiwagaan sa katauhan nito.
Natukso pa siyang silipin ang record nito ngunit hindi niya mahagilap. Hindi naman daw regular na nadedistino sa iisang lugar si Atty. Davis. Mukhang wala siyang mapapala sa mailap na abogado. Mas mainam siguro kung si Erron ang usigin niya tungkol dito.
Saktong katatapos niyang maghapunan ay tumawag sa kanya ang staff ng SOCO at pinapapunta siya sa crime scene. May nai-report na namang kaso ng pagpatay. Antimanong sumugod siya sa crime scene at nanguna sa paglakap ng ebidensiya.
Sariwa pa ang bangkay at maging ang dugong nagkalat. Sinundan niya ang patak ng dugo na nagkalat sa sahig ng pasilyo ng pribadong ospital. Nurse pa rin ang biktima at babae.
Hanggang sa exit ng ospital ay nakakita siya ng blood stain. Naputol ito sa tapat ng pinto ng storage room. Inilapat niya ang kanyang tainga sa pinto ng storage room. May naririnig siyang kaluskos sa loob.
Wala siyang anumang armas pero malakas ang loob niyang humarap sa anumang meron sa loob ng silid. Nagbilang siya ng tatlo sabay hatak sa pinto ng storage room na hindi naka-lock. Saktong paghila niya rito ay lumabas ang naka-itim na lalaki at marahas siyang itinulak.
Bumulagta siya sa sahig. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang hitsura nito. Isa itong halimaw, ngunit natigilan siya nang mapamilyar sa kanya ang bulto nito. Akmang susugurin siya nito ngunit binaril ito ng mga kasama niya. Tila hindi ito tinablan ng bala. Nakatakbo ito at binasag ang salaming bintana saka ito roon tumalon palabas.
Tulala pa ring nakatitig si Natalya sa bintanang nilabasan ng halimaw. Noon lamang niya naramdaman ang kabog ng dibdib niya. Hinahapo siya. Inalalayan naman siya ng lalaking kasama sa SOCO team. Nang makatayo ay sumilip siya sa bintana.
Hindi siya mapakali. Pamilyar sa kanya ang bulto ng halimaw na iyon, maging ang presensiya nito. Hindi niya maintindihan. May naiwang dugo ang suspect, isang matingkad na pula, na halos itim nang dugo. Malansa ito at hindi amoy dugo ng tao. Kumuha siya ng sample nito upang kanyang pag-aralan.
“Mukhang tama ka, Natalya, may bampira talaga,” hindi makapaniwalang sabi ni Harold nang ilarawan niya rito ang mukha ng lalaking halimaw na sumalakay sa kanya.
Hindi siya kumibo. Umiikot lamang ang isip niya sa halimaw na lalaki. Hindi niya masabi kung ilang taon na ang halimaw dahil sa pangit nitong hitsura. Pero obvious na may edad na ito.