NAKATULOG ulit si Erron matapos kumain. Dahil wala namang libangan ay nahiga sa tabi nito si Natalya. Pakiramdam niya’y mabagal ang oras sa bahay na iyon. Siguradong hinahanap na siya ng mga katrabaho niya o baka nai-report na rin sa pulis ang pagkawala niya. Naiwan pa ang gamit niya sa laboratory at ang hindi natapos niyang trabaho. Wala siyang dala na kahit ano maliban sa suot niyang damit. Hindi rin siya sigurado kung anong oras siya maihahatid ni Erron sa apartment niya. Nakatulog ulit si Natalya. Nang muli siyang magising ay nagulat siya nang naroon na siya sa kanyang kuwarto. Bumalikwas siya ng bangon. May naamoy siyang pagkain. Pagtingin niya sa mesita ay may nakahandang pagkain doon na nakalagay pa sa transparent na food dispenser. Igininala niya ang paningin sa paligid. Bumukas