Matapos ang masayang dalawang linggong honeymoon nila Gail at Liam ay tuluyan silang nakabalik ng Pilipinas. Sa kabila ng pangamba sa banta ng kanilang mga buhay ay hindi naiwasan ang pamilyang inuwian ang maghanda ng isang simpleng hapunan para sa kanila. "Kumusta naman ang honeymoon niyong dalawa, mayroon na ba kaming aanakin sa binyag?" malakas na turan ni Drew pabungad pa lamang sa bahay nina Liam. "Hello, babe ko, hindi mo ba ako babatiin muna?" sabad ni Dinky tila nagtampo dahil hindi binati ng kasintahan. "Of course, makakalimutan ko ba naman ang aking baby," nakangiting segunda ni Drew sabay lapit at halik kay Dinky. Mula sa likuran nito ay inilabas ang isang tangkay ng rosas. "Sus! Baka naman pinitas mo lang ito sa kapitbahay ninyo?" hirit na irap ni Dinky sa kasintahan. Nata